;
Rank Country Gold Silver Bronze Total

Salamat kay Eala, EJ at Yulo, pataas ang tingin ng mundo sa Pinoy

Dati hanggang paghanga lang tayo kina Roger, Rafa, Novak at Serena sa larangan ng tennis. Salamat kay Eala, may sarili na tayong pambato
Aug 26, 2025
bata reyes, carlos yulo, alex eala, ej obiena, pacquiao
Dati kapag sinabing atletang Pinoy, palaging si Manny Pacquiao ang naiisip. Ngayon may Carlos Yulo, EJ Obiena, at Efren 'Bata' Reyes. Ngayon may Alex Eala pa.
commentary

MARAHIL nagtatanong na ang ibang lahi kung ano ang kinakain o anong meron ba tayong mga Pinoy.

Kaliit-liit na bansa pero nakakalikha ng mga pambato sa iba’t ibang sport. Salat sa yaman pero nakakatuklas ng mga atletang mas makinang pa sa ginto o diyamante.

Dati pag sinabing atletang Pinoy, si Manny Pacquiao ang bukambibig ng mga taga-ibang bansa.

COLUMN: Eala gives Philippine tennis a moment to remember

Nababanggit din si Efren ‘Bata’ Reyes.

Pero ngayon? Meron pa tayong Carlos Yulo, Hidilyn Diaz at EJ Obiena. Idagdag mo si Alex Eala.

Smorgasbord na. Halo-halo special. Win, win and win pa more.

Hindi tayo sports superpower. Hindi higante o dragon o tigre. Pero may mga sport na angat tayo at bilib sila sa Pinoy.

Tayo yung tipong maliit ngunit nakapupuwing. Aba sa dalas nating makapuwing ngayon baka higit pa sa sore eyes ang abutin ng kalaban. Kung yung pitik natin dati ay pang-asar lang, ngayon tunay na nakakasakit na. Ramdam na para bang hagupit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alex Eala is coming off a three-set win over world No. 14 Clara Tauson at the US Open.

Mantakin mo pati sa tennis namamayagpag na ang Pinoy. Dati hanggang paghanga lang tayo kina Roger, Rafa, Novak at Serena. Salamat kay Eala, may sarili na tayong pambato.

Dati rebound, traveling at three-second violation lang ang alam natin. Palibhasa sa basketball tayo nakatutok sa mahabang panahon. Ngayon biglang eksperto na ang kapitbahay mo sa double fault, matchpoint, forehand, backhand, smash.

CONTINUE READING BELOW ↓
Watch Now

Dahil yan kay Eala.

Sa pagsulpot ng mga bagong sports hero gaya nina Eala, Yulo at iba pa, namumulat ang ating mga mata sa kakayahan ng Pinoy na manaig sa mga paligsahan na hindi natin dating sinusubaybayan o pinag-aaksayahan ng panahon.

MORE FROM SPIN
MORE FROM SPIN

    Maituturing na first love natin ang basketball at kung nais naman na makaahon sa kahirapan, boksing ang nagsisilbing daan kahit ito ay lubhang mapanganib.

    Ngunit hindi lahat ay ipinanganak na matangkad para mag-basketball. Hindi lahat ay may pambansang kamao, na kayang kumain ng suntok at makipagbasagan ng mukha.

    May ibang paraan upang magtagumpay at makilala sa mundo. Hindi kelangang buwis-buhay.

    'Dapat matutong mangarap'

    Pero mahalaga din ang tapang, talino, tibay ng loob at disiplina. Higit sa lahat dapat matutong mangarap.

    Maliban kay Obiena, walang mga sinundang yapak sina Eala at mga kagaya niya. Walang role model na Pinoy sa landas na tinahak nila nang buong giting. Sila mismo ang nagbukas ng daan para sa iba pang kababayan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

    Anong meron sina Eala? Imahinasyon.

    Get more of the latest sports news & updates on SPIN.ph

    NOTICE ON UNAUTHORIZED AND UNLAWFUL USE, PUBLICATION, AND/OR DISSEMINATION OF SPIN.PH CONTENT: Please be notified that any unauthorized and unlawful use, publication, and/or dissemination of Spin.ph’s content and/or materials is a direct violation of its legal and exclusive rights to the same, and shall be subject to appropriate legal action/s.

    Read Next
    Watch Now
    Sorry, no results found for
    Dati kapag sinabing atletang Pinoy, palaging si Manny Pacquiao ang naiisip. Ngayon may Carlos Yulo, EJ Obiena, at Efren 'Bata' Reyes. Ngayon may Alex Eala pa.
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result