(PEP.ph) NAKARATING kina Joshua Garcia at Trina Guytingco ang katanungan ng netizens kung mayroon silang espesyal na ugnayan.
Si Joshua ang isa sa pinakamahusay at pinakasikat na young actors sa bakuran ng Kapamilya Channel, habang si Trina ay kasalukuyang naglalaro sa women's basketball team ng Ateneo De Manila University.
Tila nagkakilala ang dalawa dahil sa common friend nilang si Kathryn Bernardo, at kamakailan ay magkakasama silang nagbakasyon sa El Nido, Palawan.
Nitong April 5, 2022, nag-post si Trina ng ilang solo photos niya na kuha roon.
"Nice shot!" reaksiyon ni Joshua sa comments section.

Sabay hirit ni Trina kalakip ng lauging emojis, "@garciajoshuae thanks rumored boyfriend."

Sakay naman ni Joshua na natawa rin, "you're welcome."

Netizens paired off Joshua Garcia, Trina Guytingco
Naging mitsa ng pagkakaugnay kina Joshua at Trina ang pag-post nila ng mga litrato nilang dalawa sa kani-kanilang Instagram accounts.
Pero mayroon din silang post kasama ng iba pa nilang mga kaibigan.
Hindi naman maiwasang tuksuhin ang dalawa dahil kilalang single si Joshua.
Pati kay Ria Atayde ay na-link din ang aktor, pero parehong nilinaw ng mga ito na magkaibigan lang sila.
Read: Joshua Garcia twits rumormongers with message for "rumored girlfriend" Ria Atayde
Si Joshua nagpauso sa pagtawag kay Ria na "rumored girlfriend," at tinawag din siyang "rumored boyfriend" ni Ria dahil sa pang-iintriga sa kanila.
Ngayon naman ay si Trina ang binubuyo ng ilang netizens kay Joshua.


Habang may iba namang naniniwalang magkaibigan lang din sina Trina at Joshua tulad ng aktor at ni Ria.

Get more of the latest sports news & updates on SPIN.ph