Ano nga ba ang lato-lato at paano ito sumikat?

Sino ba nagpauso ng lato-lato sa Pilipinas?
Jun 16, 2023
Lato-Lato
PHOTO: Radoz Design for Canva Pro

Isang nauusong laro ngayon ay ang lato-lato, isang laruan na gawa sa dalawang magkaparis na bola na pinagdugtong ng isang tali. Layunin ng manlalaro na pag-umpugin ang dalawang bola nang paulit-pulit sa pinakamaraming beses o pinakamatagal na pagkakataon sa pamamagitan ng pagkumpas ng kamay.

Sa labis na pagkasikat ng lato-lato sa Pilipinas, nagkaroon pa ng mga patimpalak sa lato-lato sa mga bayan ng Tarlac, Cainta, hanggang sa Batangas na may premyong aabot sampung libong piso, ayon sa isang ulat ng Spot.ph.

Ngunit paano nga ba sumikat sa Pilipinas ang lato-lato?

Lato-Lato

Isang esports team ang nagdala at nagpauso ng lato-lato sa Pilipinas: ang ECHO. Noong kasagsagan ng M4 World Championship sa Indonesia, nakita sa behind-the-scene videos ng ECHO na abala sa kakalaro ng lato-lato ang mga players na sina Sanford, KurtTzy, at maging si KarlTzy, na sinubukang mahuli ang wastong kumpas ng kamay upang magtagal ang paglalato. Libo-libong kabataan ang nakakita ng mga paulit-ulit na videos ng ECHO na naglalato-lato. Maging ang League Operations Head ng MPL Philippines ay nahagip ng isang video na sinusubukan ang laruan habang nasa Indonesia.

Hanggang sa pag-uwi ng ECHO sa Pilipinas ay dala nia ang sikat na laruan mula sa Indonesia. Dahil sa ECHO, maraming umorder ng lato-lato sa mga online selling platforms, hanggang sa maging street vendors ay ibinebenta na rin ito.

Ang salitang “lato-lato” ay wikang Bahasa Indonesia at hango sa tunog ng ingay na nagagawa ng laruan kung paulit-ulit itong pag-uumpugin.

Paano laruin ang lato-lato

Katulad ng dating sumikat na fidget spinner, ang lato-lato ay inimbento para sa pansariling libang. Narito ang paraan kung paano maglaro ng lato-lato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

1 | Ilagay ang gitna ng tali sa ibabaw ng iyong hintuturong nakatagilid.

2 | Unti-unting igalaw paitaas-baba ang iyong kamay upang magkaroon ng paggalaw ang dalawang bola.

3 | Hayaang mag-umpugan ang dalawang bola. Kapag naganap ito, bilisan mo ang pagkumpas ng kamay.

4 | Sanayin mong maging pantay ang pagkumpas ng kamay upang humaba ang pag-uumpugan ng mga bola.

Sa isang video sa ibaba, makikita kung paano na-master ni KurtTzy ang lato-lato.

@echophilippines @KurtTzy perfecting the latto-latto

Get more of the latest sports news & updates on SPIN.ph

Read Next
read more stories about:
Watch Now
Sorry, no results found for
PHOTO: Radoz Design for Canva Pro
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result