;

After watching 'Nocebo,' someone shares the horror stories of garment factory workers

The real horror of Nocebo lies in the fact that it is partly based on a real story from the Philippines.
by Mario Alvaro Limos | Jun 5, 2023

After watching Nocebo, which stars award-winning actress Chai Fonacier, NGO worker Nadia de Leon shared the stories of real-life garment factory workers, who are still struggling under abusive and inhumane work conditions.

“Nabanggit ko ang karakter ni Diana (na mahusay na ginampanan ni Chai Fonacier) sa pelikulang Nocebo habang nagkukwentuhan kami ng mga kababaihang garment worker tungkol sa kanilang working condition at iba pang mga problema sa pabrika. Hindi ko napigilang i-share ang pelikula sa kanila dahil naaalala ko ang mga eksena nito sa mismong mga kuwento nila,” says De Leon in a Facebook post.

The following recollections were told to De Leon by the garment factory workers. Their identities are kept hidden for their own safety.

‘Ang init-init sa pabrika namin.’

“Ang init-init sa pabrika namin. Makina lang ang pagitan naming mga manggagawa. Hindi sapat ang mga bentilador at ang liliit ng exhaust fan. Kanya-kanya kaming bitbit ng maliliit na electric fan para maka-survive sa tindi ng init.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dati nga, bawal ang magbitbit ng tubig sa workstation. Buti na lang at binawi na ng management at pwede na kami ngayong magdala ng tubig sa mga pwesto namin.”

‘Ang tindi ng quota namin kada araw.’

“Ang tindi ng quota namin kada araw. Sa isang linya kung saan 40 kaming manggagawa, kailangang makatahi kami ng 120 pirasong bra kada oras. Sa isang linya naman ay 300 na panty kada oras ang kailangang matapos. Kayod kalabaw talaga kami.”

‘Suwerte na kung makakapag-uwi kami ng P4,000 tuwing kinsenas at katapusan.’

“Minsan pumapasok kami nang maaga o kaya pati breaktime ay nananahi para maabot lang ang quota. Tapos, swerte na kung makakapag-uwi kami ng P4,000 tuwing kinsenas at katapusan.”

‘Marami ang may UTI dahil hindi magawang umihi.’

“Marami sa amin ang laging nahihilo dahil sa init. Sa tingin namin, marami rin ang may UTI dahil hindi na naming magawang umihi sa dami nang kailangang tahiin para maabot ang quota kada araw.”

Feeling disgusted and indignant, De Leon wished with her whole hear that the garment factory workers do not experience being locked inside the workplace so they would be forced to work until dismissal time. So she asked them, “Naka-lock din ba ang pabrika ninyo tulad ng pinapasukan ni Diana?”

CONTINUE READING BELOW ↓
Watch Now

Their answer tore her heart apart.

“Ay, oo! Kapag may hinahabol na order ay hindi kami pinapayagang lumabas. Kailangang matapos namin ang order bago kami makauwi.”

The Kentex Factory fire of 2015

Kentex Factory Fire in 2015

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

On May 13, 2015, a fire broke out at the Kentex Manufacturing factory in Valenzuela, Metro Manila. Seventy-four people were killed in the fire. It was the second-worst fire disaster in Philippine history alongside the Manor Hotel fire in 2001. The Ozone Disco fire in 1996 remains the deadliest fire tragedy in the Philippines, in which 162 lives were lost.

“Sa totoo lang, nang napanood ko ang Nocebo, ang naisip ko dito ay ang sunog sa Kentex factory noong 2015 kung saan mahigit 70 manggagawa ang nasunog at namatay dahil walang maayos na chemicals storage, fire exit at emergency plan ang kompanya,” says De Leon.

Was Nocebo based on the Kentex Factory fire in 2015?

According to De Leon, watching the film Nocebo became even more poignant when she heard the song “Pugon” by The General Strike playing as the movie’s credits rolled. “Pugon” was composed as a tribute to the 74 garment factory workers who perished in the fire in the factory.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Walang dudang isa ang sunog sa Kentex sa pinaghugutan ng mga nasa likod ng pelikula,” De Leon adds.

“Pero kahapon, nadagdagan ang naaalala ko sa Nocebo. Hindi na lang Kentex ang sumasagi sa isip ko. Buhay na buhay ito sa mga kwento sa akin ng mga manggagawang kababaihan sa garments factory. Ang dami kong nakausap na Diana sa maliit na kubo kung saan kami nagtalakayan kahapon. Malungkot at madalas nakakagalit ang kanilang mga kwento, yung aabot na rin sa tindi ng galit ni Diana sa pelikula.”

“Salamat na lang at ibinalik ako ng mga manggagawa sa ulirat habang kami ay nagtatalakayan. Ang mahalaga, resolbado silang itayo ang kanilang unyon para mas umayos ang kanilang kondisyon sa trabaho, maprotektahan ang kanilang mga karapatan at dignidad bilang manggagawa. Kaya naman tuloy ang pag-oorganisa’t pag-aaral. Hanggang sa susunod na mga talakayan.”

Get more of the latest sports news & updates on SPIN.ph

NOTICE ON UNAUTHORIZED AND UNLAWFUL USE, PUBLICATION, AND/OR DISSEMINATION OF SPIN.PH CONTENT: Please be notified that any unauthorized and unlawful use, publication, and/or dissemination of Spin.ph’s content and/or materials is a direct violation of its legal and exclusive rights to the same, and shall be subject to appropriate legal action/s.

Read Next
read more stories about:
Watch Now
Sorry, no results found for
PHOTO: DedMityay (Getty Images for Canva Pro subscribers); TBA Studios
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result