Manny Pacquiao namakyaw ng isda, gulay, at karne sa palengke

Nabulabog ang tindera ng Guadalupe Public Market nang biglang namalengke si Pacquiao
Nov 17, 2021
undefined
PHOTO: Manny Pacquiao/Instagram

(PEP.ph) Nabulabog ang mga nagtitinda sa Guadalupe Public Market sa Makati City ngayong Miyerkules ng umaga, November 17, dahil sa pagbisita ng senador at presidential aspirant na si Manny Pacquiao.

Kasama ang mga miyembro ng media at TV cameramen na tinutukan ang kanyang “pagkakawanggawa,” pinakyaw ni Pacquiao ang mga isda, gulay, at karne ng mga tuwang-tuwang nagtitinda sa palengke.

Live na napanood sa Instagram story ni Pacquiao ang pagbili nito ng mga isda na nagkakahalaga ng P1,700. Pero tatlong libong piso ang kanyang ibinayad sa tindera na maligayang-maligaya.

MORE FROM SPIN
MORE FROM SPIN

    Pacquiao at Guadalupe Public Market.

    Dinagdagan din ni Pacquiao ng isang libong piso ang bayad niya sa ibang mga produkto na kanyang binili sa palengke ng Guadalupe.

    Isang babae na nagmamasid sa mga nangyayari ang hindi napigilan ang sarili na magsabi ng “Para maiba naman, Manny Pacquiao for President! Maka-Diyos! Makatao! Salamat po!” dahil sa perang nakasilid sa apple green envelope na hawak at ipinamumudmod ng Pambansang Kamao.

    Pamimigay ng pera sa pangangampanya ni Manny Pacquiao

    Pinag-ugatan ng debate ang pamimigay ni Pacquiao ng pera dahil marami ang nagkomento na panunuhol at isang klase ng early vote-buying umano para sa halalan sa May 2022 ang kanyang ipinamalas.

    Pero para sa mga loyal supporter ni Pacquiao, pagtulong sa kapwa ang ginawa ng Filipino boxing legend na hindi raw dapat intrigahin dahil sariling pera ang ginagastos nito.

    This article originally appeared in PEP.ph.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

    Get more of the latest sports news & updates on SPIN.ph

    Read Next
    Watch Now
    Sorry, no results found for
    PHOTO: Manny Pacquiao/Instagram
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result