Did you know Julia Barretto was once a volleyball varsity player?

Aug 28, 2019

MULI raw nakaramdam ng takot si Julia Barretto, 22, nang maglaro ng volleyball sa harap ng maraming tao.

Ito ang inamin ng ABS-CBN actress sa kanyang Instagram post kaugnay ng partisipasyon niya sa All-Star Games 2019 na ginanap sa Araneta Coliseum, Quezon City, nitong August 25, Linggo.

Si Julia ang captain ball ng Team Blue para sa women's volleyball match.

Nakalaban nila ang Team Red kung saan si Kim Chiu naman ang captain ball.

Sa pagtatapos ng match ay nanaig ang koponan ni Kim laban sa team ni Julia.

JULIA ON PLAYING AGAIN IN FRONT OF MANY PEOPLE

Kalakip ng Instagram post ni Julia nitong Martes ng gabi, August 27, ay ang highlight photos niya at ng kanyang team sa naturang sports event.

Sa caption, nagkuwento si Julia sa muling pagsabak sa sports na kinahuhumalingan niya mula noong high school pa lamang siya.

Pahayag ng aktres (published as is):

"Two months ago, I started training and going back to my first love: volleyball.

Continue reading below ↓

"I fell inlove with this sport back in high school, where I got the opportunity to be part of the varsity team and compete."

Dream come true raw para kay Julia ang makapaglaro sa Araneta Coliseum dahil noon ay nanonood lamang siya ng intercollegiate games.

"Last Sunday was my first time to play in Araneta.

"I used to just be an audience member and watch the UAAP volleyball games.

"At the time, I only wished I had been able to experience something that exciting!"

Nakaramdam daw uli siya ng takot dahil sa dami ng nanonood.

"I was terrified of being in court, being infront of thousands of people again.

"A few moments before the game, Coach O said 'Be brave. Being brave is not showing that you can fight back, being brave is showing what you can do.' And we did it."

Sa huli, binati ni Julia ang kanyang grupo kahit hindi man sila nanalo.

Continue reading below ↓

"To my girls, my blue team: thank you for your determination and hard work. We may not have won the game, yet it was so fulfilling. Knowing that we fought, we fought hard till the end."

Binati rin niya kalabang grupo na pinangungunahan ni Kim.

"To the red team, headed by @chinitaprincess:

"Congratulations! It wasn't an easy match, but you guys gave us a game to remember.

"Thank you, till the next!"

Continue reading below ↓

JULIA GETS ENCOURAGEMENT FROM FELLOW STARS

Samantala, sa kanyang Instagram post ay nagkomento ang kapwa celebrities ani Julia, kagaya ng ka-teammate niyang si Gretchen Ho.

Binati rin siya ni Kim.

Nagkomento rin ang nakababatang kapatid ni Julia na si Claudia Barretto

JULIA STILL HOUNDED BY CONTROVERSY AT THE ALL-STAR GAMES

Kahit na ang highlight ng event noong Linggo ay ang paglalaro kasama ang mga kapwa artista, hindi pa rin nakaiwas na maintriga si Julia.

Sinundan pa rin siya ng isyu kaugnay ng pagkaka-link niya kay Gerald Anderson at akusasyong siya raw ang dahilan ng paghihiwalay ng aktor at ni Bea Alonzo.

Hindi rin maiwasang maintriga sila ni Gerald dahil magkapareho pa ang jersey number nila-No. 3.

Nagpaliwanag naman ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto via Instagram.

Ayon kay Marjorie, varsity player pa lamang si Julia noong high school ay No. 3 na ang numero nito.

August 22, tatlong araw bago ang All-Star Games, ay lumabas ang interview ni Julia kung saan itinanggi niya ang akusasyong inahas niya si Gerald kay Bea.

Continue reading below ↓

Ngunit sinabi rin ng aktres na itinuturing niyang matalik na kaibigan si Gerald sa ngayon.

Nagpahaging din si Julia na hindi niya isinasara ang pinto sa posibilidad na ligawan siya ni Gerald in the future.

This story originally appeared on .

Minor edits have been made by the SPIN.ph editors.

Read Next
Recommended Videos
Sorry, no results found for
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result