Ernie Gawilan: Kapansanan, ginamit na sandata para maabot ang pangarap

Oct 3, 2019
PHOTO: Jerome Ascano

NOONG elementarya tayo, nakilala natin ang Dakilang Lumpo sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya’y walang iba kundi si Apolinario Mabini.

Sa kabila ng kanyang kapansanan, hindi ito naging hadlang para makatulong siya sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.

Sa larangan ng palakasan, maituturing din nating bayani ang mga atleta nating may kapansanan.

Isa na riyan si Ernie Gawilan.

Kabilang si Ernie sa mga Lumad ng Kitaotao, Bukidnon. Nang mapadpad sa Davao City ito na ang dinala niyang lugar sa mga kompetisyon dahil doon siya nagsimula ng kanyang karera.

Bunso sa tatlong magkakapatid at ipinanganak siyang deformed ang dalawang binti at kaliwang braso.

Sa edad 28, wala pang asawa si Ernie dahil nakatutok siya sa kompetisyon.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Maliban sa swimming, marunong din maglaro ng table tennis si Ernie.

“Dati po kasi nakatira ako sa foundation sa Samal island, may beach resort po kasi doon, ‘yong pangalan po ng foundation Our Lady of Victory training center at founder po si Sister Cecilia Wood po. Marunong din po akong mag-table tennis,” panimula ni Ernie.

BALIK-TANAW SA KANYANG KABATAAN

Nakaranas din si Ernie ng mga pambu-bully, hindi nga lang hayagan, ayon sa kanya, kundi dinadaan lang sa matatalim na tingin ng kapwa niya bata.

“Hindi naman po na-bully talaga, ‘yong tumitingin lang po sila siyempre mga bata natural lang po yon,” aniya.

Pero, mayroon daw isang construction worker na tila ‘naliitan’ sa kanya.

“Sabi ko po sa kanya suntukan kami nakaluhod, di naman po siya pumatol, umalis lang po,”napapangiting sambit ni Ernie habang inaalala ang pangyayaring iyon.

Continue reading below ↓

Naranasan din ni Ernie ang hindi pantay na trato dahil sa kapansanan niya, subalit hindi niya ito masyadong ininda, mas tiningnan niya ang positibong bagay.

“Ako po kasi wala naman pong problema kasi hindi naman po lahat ng tao magiging kaibigan, lahat lagi po talaga may tutol parang masama at mabuti lang po ‘yan, parang swerte tapos talo na naman, successful, failure laging magkakontra lagi, kaya di na po nakakapagtaka (na hindi parehas ang trato), parang government lang po, may pro, may anti,” paliwanag niya.

Hindi rin ikinaila ni Ernie na noong bata pa siya ay sinisi niya ang mga magulang kung bakit siya ipinanganak na may kapansanan, pero, habang nagkakaisip siya, mas minabuti na lamang niyang tanggapin ang kapalaran.

“Opo dati, pero kahit sisihin ko pa po sila lifetime ko na pong kasama itong kapansanan ko, nagpapasalamat pa rin po ako sa kanila kasi kung di rin po ako ganito baka masama din po naging kapalaran ko ngayon,” pahayag niya.

Continue reading below ↓

MAY LAYUNIN ANG DIYOS

Maging ang pag-iwan sa kanya ng ama na dati’y ikinagalit niya, naunawaan na rin niya ang dahilan.

“Alam ko na po kung bakit siya (tatay) umalis, dati po masama loob ko pero sa ngayon ‘di na po, nagkita po kasi kami nasa loob na po siya ng kabaong, mahirap po maintindihan ang buong pangyayari, di ko po maintindihan kaya binabaling ko na lang sa swimming lahat,” kuwento niya patungkol sa ama.

Continue reading below ↓

May mga pagkakataon din noong kanyang kabataan na nakaramdam siya ng inggit sa ibang batang normal.

“Syempre nainggit po pero nakita ko po kasi ngayon na magagamit ko po pala ‘yong kapansanan ko bilang isang atleta, dati po tinatanong ko po ang Diyos kung bakit po ganito ako, pero nong nakita ko po ‘yong purpose ng pagiging PWD ko pinasalamatan ko po ang Diyos dahil ‘di niya po ako iniwan.”

MORE FROM SPIN
MORE FROM SPIN

    PANGARAP NA ‘DI NATUPAD

    Kung mayroong pangarap si Ernie na hindi niya naisakatuparan, iyon ay ang maging sundalo.

    “Gusto ko po sanang mag-sundalo pero ‘di ko po pala magagawa ‘yon dahil sa kapansanan ko po,” aniya.

    Ang kanyang mga lolo at lola ang naging motibasyon ni Ernie para magsumikap na makilala bilang differently-abled athlete, maging ang kanyang mga coach, na nagtiyagang magturo sa kanya.

    “Yung lolo at lola ko po at coaches ko po at teammates, pati mga kaibigan ko po. Sila ung nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. ‘Yung lolo at lola ko higit sa lahat dahil sila ang nagpalaki sa akin, sanggol pa lang sila na ang nag-alaga sa akin,” dagdag pa niya.

    Continue reading below ↓

    PLANO SA HINAHARAP

    “Nakikita ko po kasi masaya naman po ako sa pagiging atleta ko kaya ito lang po muna tutukan ko po. Pinapakiramdaman ko pa po sarili kasi nasa 28 yrs old na rin po ako, pero hangga’t kaya ko, lalangoy ako,”

    ANO ANG NAITULONG SA IYO NG PAGIGING ATLETA?

    Continue reading below ↓

    “Marami po, tumaas po ang confidence ko na humarap sa maraming tao at nadagdagan po ang kaalaman ko tungkol sa buhay kasi po napakahirap maging atleta kasi bugbog sarado ka sa training, gigising ka ng maaga minsan panghihinaan ka ng loob, magkaka injury pa minsan. Kung mahinahina loob mo at walang tiyaga di ka magiging successful.”

    KARERA SA SWIMMING AT KOMPETISYON

    Unang sumabak si Ernie sa swimming competition noong 2008 Philippine Olympic Festival na ginanap sa Cagayan de Oro kung saan tumapos siyang pangalawa.

    Matapos nito, hinimok siya ng nangunang swimmer mula sa Iligan at miyembro ng PWD national team na magtungo sa Manila, na siya niyang ginawa at naging bahagi nga siya ng national team.

    Nakalangoy na si Ernie sa mga kompetisyon sa India, Indonesia, Italy, Japan, Malaysia, Myanmar, New Zealand, at Singapore at hindi na mabilang ang kanyang medalyang napanalunan sa mga nilahukang kompetisyon. Isa rin s'yang beterano ng Rio Paralympic Games.

    Continue reading below ↓

    Naging awardee rin siya sa taunang Philippine Sportswriters Association (PSA).

    Sa ngayon ay nakatutok si Ernie para sa 2020 ASEAN Para Games na gaganapin sa Pilipinas matapos ang 30th SEA Games.

    SAPAT NA BA ANG BATAS PARA SA MGA PWDs?

    “Sa akin po kasi di naman po ako naghahangad ng mataas na tulong basta naibibigay po nila yong kailangan namin ok na po para sa akin. At saka nagsimula po ako na walang-wala din kaya kung ano meron ako ngayon, pinahalagahan ko po.”

    Continue reading below ↓

    Sa sandaling dumating na ang panahong kailangan na niyang magretiro, sinabi ni Ernie na wala siyang hinahangad na anumang karangyaan sa bukay.

    “Simple lang, magkaroon lang ng kunting kabuhayan tapos makatulong ng ibang tao din po lalo sa mga kamag-anakan ko,” wika niya.

    At para sa mga gaya niyang may kapansanan, payo niya:

    “Basta po wag lang silang sumuko sa buhay kasi bawat isa sa atin may nilaan na karunungan ang Diyos kaya hanapin lang natin yon.”

    Read Next
    Sorry, no results found for
    PHOTO: Jerome Ascano
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result