In 2017, the author was granted the rare privilege of chatting one-on-one with Socorro Ramos, the founder of National Book Store, for Entrepreneur Philippines. On the occasion of her 100th birthday, we are republishing the article and interview here as it originally appeared, with only minor edits.
Socorro Ramos was 19 years old when she and her husband Jose opened a small sari-sari store along Avenida, Rizal in Manila. This was the beginning of National Book Store. Today it is the country's largest retail chain of bookstores and school and office supplies.
Nanay Coring, as she is known to the National Book Store family, won the prestigious Ernst and Young Entrepreneur of the Year award in 2004. At 94 years old, the founder is still active and sharp. She recently sat down for a brief chat with Entrepreneur Philippines where she talked about the beginnings of the retail business, how she feels about franchising National Book Store, and what she thinks is the most important lesson she can teach younger entrepreneurs.
ALSO READ
Nanay Coring Turns 100: A Tribute to the Woman Who Built National Book Store
What's Happening With National Book Store?
Paul John Caña: Let's talk about National Book Store
Nanay Coring: Oh my goodness. It was 1942. Japanese time. Susmaryosep. Nakalimutan ko na yata.
75 years na po ang National Book Store this year. Ano pong sikreto ninyo?
Hard work. Kailangan practical hard work, patience, and perseverance. We started doon sa Avenida, Rizal. Tapos nagbukas ako sa Recto. Siguro two years after. Pagkatapos, okay pala 'no? So nagbukas naman ako sa Cubao. Tapos dumami na. Susmaryosep. Basta as time goes on, just open. Period.
Ngayon mga anak at apo na ninyo ang nagpapatakbo ng business.
Yes. Ibang-iba ang gusto nila ngayon kesa ang gusto ko nung araw. Iba. Tayo gusto natin, simple.
Saan po ninyo ginagastos yung kita ninyo noon?
Wala. Ipon lang ako nang ipon. Tapos bibili ako ng lupa. Tapos nagbubukas ako ng branch. Malaki din ang puhuan. Papagawa mo yung pwesto mo. Bibili ka ng lamesa panglagay ng mga display. Mahal din.
Magkano puhunan niyo nung unang branch?
Konti lang. Maliit lang. Siguro mga P200.
P200 lang?!
Aba, nung panahon na yun, P2 to $1. Magkano na ba ngayon?
Mga P50 po per $1
Kita mo na.
Bumibisita pa ba kayo sa mga stores ninyo?
Aba siyempre. Paminsan-minsan.
Ano pong sinasabi ninyo sa employees pag bumibisita kayo?
"Kamusta ka? Anong problema natin? Anong gusto ninyong merienda?"
Binibilhan ninyo sila ng merienda?
Aba syempre. PR. Ano ba naman yung merienda? Magkano gagastusin mo? Pero matutuwa sila pag nandun ka kasi may pagkain.
Nagpapa-picture din sila sa inyo?
Syempre. Nag-uunahan pa sila. Hindi sila nahihiya sa akin. Kasi very friendly ako, maski na sino. Maski na janitor. Hindi nahihiya sa akin.
Nagagalit po ba kayo?
Bihira ako magalit. I try not to. Unless it's a very serious offense. Para que? Magpapagalit ka sa sarili mo? O hala. (Laughs).
Ilang taon ka na?
I'm 37 po.
Ako 94 years old. And still standing. And still working.
You still work po?
Aba syempre. Dapat pakita mo sa tao malakas ka maski na hindi. It's psychological.
Saan niyo po pala nakuha yung pangalan na National Book Store?
Dun sa National cash register. Nakita ko, National cash register, sabi ko, "ayun, ayun ayun!" Magandang pangalan yun. So naging National Book Store (Laughs). Wala e. Instant yun. Within one minute, ayun na.
San po yung pinaka unang branch?
Sa Avenida, Rizal.
Andun pa rin?
Andun. Yung kanto doon.
Bumibisita pa kayo dun?
Aba syempre. Lahat yan binibisita ko pa. Tintitingan ko kung tama yung display. Papakita mo para alam nila, kelangan mabuti ang ating display kasi mamaya dadating si SCR.
SCR tawag nila sa inyo?
Oo.
Pati yung mga nasa probinsya na branch binibisita ninyo?
Once in a while. I'll go to Cebu or Davao. Para ika nga, pulis ka minsan. Alam mo kung anong ginagawa nila.
Ano pong pinaka-importanteng lesson na dapat matutunan ng mga bagong employee?
Public Relations. Yung pakikisama sa tao. Maski na customer pakikisamahan mo. Importante yun. Kasi kung mabuti ka sa kanila, babalik ulit sa yo. Ang kailangan ay babalik sila sa yo. Hindi lang ngayon, bukas, sa makalawa.
Wala bang kumpanya na gustong bilhin yung National Book Store dati?
Ayoko magbenta. Kasi nobody will help you except yourself.
E yung gusto po mag-franchise?
Meron. Pero mahirap e. Hindi ako marunong nun. English yun e. (Giggles). Ano ba yung franchise? You know? Mabuti na yung hindi ka papasok sa hindi mo alam. So kung gusto mo ng branch doon (sa lugar na yun), magbukas ka ng branch dun. Kaya mo naman e. Iba na yung ikaw.
Ano pa pong gusto ninyong mangyari sa National Book Store. May mga dreams pa po ba kayo?
Ako ngayon wala na. Gusto ko magpahinga lang. Pero National will stand on its own feet. Kasi may puhanan na. Yung mga anak at apo ko mabuti naman at interesado. At least may mag-aasikaso. Importante may mag-aasikaso, na magta-trabaho din yung susunod sa 'yo. Kung hindi, balewala.
Get more of the latest sports news & updates on SPIN.ph