Pagmomotorsiklo ng PBA players, may basbas ba ni Ramon Ang?

May 28, 2021
PHOTO: (Ramon Ang) Jerome Ascano

(Top Bikes) Batid natin ang deep passion ni San Miguel Corporation (SMC) big boss Ramon Ang sa motorsiklo. Alam din natin na bukod sa magagarang sports car, mayroon ding motorcycle collection si Ang at karamihan sa mga ito ay vintage bikes na mahirap hanapin sa merkado.

Pag-aari din ni Ang ang BMW Motorrad Philippines. Kasabay ng pag-arangkada ng BMW riding community sa bansa ay ang biglang pagdami ng nahihilig sa motorsiklo mula sa hanay ng mga manlalaro sa PBA.

Continue reading below ↓

Kadalasan nyong maiispatan ang inyong paboritong PBA stars na nagmo-motor papuntang Tagaytay, Subic, o Clark tuwing weekend habang sakay ng BMW bikes. Sa katunayan, ilang ulit na rin na-feature sa Top Bikes Philippines ang PBA Moto Club kung saan masasaksihan natin habang sila'y nag-e-enjoy ang Pinoy cagers sakay ng big bikes. Ilan sa kanila ay nahihilig na rin sa motovlogging.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

MORE FROM SPIN
MORE FROM SPIN

    Pero alam ng marami na may pinirmahang kontrata ang mga PBA player na nagbabawal sa kanila na sumabak sa mga delikadong gawain — kabilang na ang pagmomotorsiklo. Sa isinagawang interview ng mga editor ng Summit Media Group, tinanong ng Top Bikes si RSA kung ano ang kanyang pananaw hinggil sa isyung ito at ito ang kanyang naging tugon:

    "I think nag-umpisa silang mag-motor noong pandemic, sometime in March or April last year. Sinimulan yan ng mga PBA players na retired na," kuwento ni Ang. "Mamayang konti, nabalitaan ko na mas marami na sa kanila ang nagmo-motor," dagdag niya.

    Continue reading below ↓

    At dahil napansin na niya ang biglang pagdami ng PBA players na nagmo-motor, tinawagan niya sila upang paalalahanan na maghinay-hinay sa paghataw. Pinayuhan din ni Ang ang mga player na bumiyahe na isang grupo na may itinalagang 'group leader' na siyang magko-control sa bilis ng kanilang takbo.

    Mahigpit ang tagubilin ni Ang sa pagsunod sa batas trapiko. Hindi rin uubra sa big boss ng SMC ang pagyayabang sa pagmo-motor tulad ng wheelie at endo exhibition na wala sa lugar. "Agad kong sasabihan sila na huwag gumawa ng ganun," giit ni Ang.

    Continue reading below ↓

    Sang-ayon si Ang sa kasabihang "Nakabaon na sa hukay ang isang paa ng rider sa tuwing siya ay sumasampa sa motorsiklo" kaya ibayong pag-iingat ay mahalaga. Aniya, nagkalat rin ang mga driver ng sasakyan na walang disiplina. "Mga anak nga natin hindi natin mapigilan sa pagmo-motor, sila pa," paliwanag ni Ang.

    At kung hindi magpapaawat ang mga PBA player sa pagmo-motor, ito ang payo ni RSA sa kanila: "Kalmado lang palagi sa kalsada."

    Read Next
    Sorry, no results found for
    PHOTO: (Ramon Ang) Jerome Ascano
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result