VIRAL: P135,000 worth na request ng rider sa kanyang girlfriend

Aug 30, 2021
PHOTO: Geofrey Bautista Camia/Facebook

(PEP.ph) Agaw-eksena sa social media ang paghingi ng permiso ni Geofrey Bautista Camia sa girlfriend na payagan siyang mag-ride o mag-motor.

Gumamit kasi si Geofrey ng tig-iisang libong piso (PHP1,000) para i-spell out ang "BABY KO PAYAGAN MO NAKO MAG RIDE."

Tumataginting na PHP135,000 ang inabot ng tig-iisanlibong ginamit ng kakaibang netizen na ito mula Cavite para sa kanyang Facebook post.

Makikita sa viral na post ang inilatgg na mga pera ni Geofrey sa higaan.

Nasa gilid si Geofrey na magkalapat ang mga palad at tila nagsusumamo.

Ipinost niya ito noong August 25, Miyerkules. Ano ba ang buong kuwento sa unusual gesture na ito?

Ayon kay Geoffrey, "Ibibigay ko talaga sa kanya iyon."

Nagkapalitan ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at si Geofrey noong gabi ng August 27, 2021.

Si Geofrey, 30, ay isang self-employed auto-technician, at nagba-buy and sell din ng mga sasakyan.

Paliwanag niya, "Katuwaan ko lang kase nakita ko po kasi yung unang nag-viral na ginamit din ang pera.

Continue reading below ↓

"So, naisip ko gayahin ko sa girlfriend ko. Sakto din naman na ibibigay ko talaga sa kanya iyon."

Ang tinutukoy ni Geofrey ay ang viral post ng isang female netizen na si Loida Miguel Santiago noong August 24, 2021.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Makikita si Loida sa post na nakapwesto sa sahig katabi ng naka-spell out na "HAPPY B-DAY MAHAL" na tig-iisanlibo.

Pero paliwanag ni Loida, ang message na iyon ay ginawa ng kanyang kapatid para sa kanyang asawa at naki-picture lang siya.

Pero viral din ang post niyang ito. Sabi nga ng mga female netizens, sana ay ganoon din sila batiin ng kanilang mga asawa't mga nobyo.

Sa post naman ni Geofrey ay naki-ride ang kasintahan niyang si Arl Santos.

Narito ang palitan nila ng mensahe sa comments section (published as is).

Komento ni Arl: "SIGE ALIS NA WAG KANA UUWI [laughing with tears emojis]

Sagot ni Geofrey: "mga 2 weeks lang"

Reply ni Arl: "kahit mag Philippine loop ka pa hahahahahahhaha"

Geofrey: "mukang masarap mag ilocos nito"

Arl: "punta na bago pa magbago isip ko [sticking out tongue emojis]"

Geofrey: "Pinayagan nga ko mag ride parang ayaw na ko pauwiin [crying emojis]"

Pero message ni Geofrey sa PEP: "Joke niya lang po yung ayaw niya ako pauwiin."

Continue reading below ↓

MORE FROM SPIN
MORE FROM SPIN

    MIXED REACTIONS

    Umabot na sa higit 18,000 ang reactions sa post ni Geofrey.

    Hindi raw niya inasahan na magva-viral ang katuwaang post niyang ito.

    Pagbabahagi niya, "Unexpected po kasi nga para sa girlfriend ko lang po sana. Masaya naman kasi maraming natuwa.

    "Masaya po na pati sila natuwa, na pag tinatag nila yung mga partner din nila."

    Pero hindi lahat ay positibo ang reaksiyon. May iba na pinuna ang post dahil ipinangangalandakan raw nito ang kanyang pera habang ang iba ay hirap sa buhay ngayong pandemya.

    Reaksiyon naman ni Geofrey: "Hindi naman po talaga maiiwasan yung mga negative comments kaya di ko na lang po pinapansin.

    "Iba-iba naman po kasi talaga ang pag-iisip ng mga tao. Kaya pag inggit na lang po, pikit na lang."

    At ito raw ang natutunan ni Geofrey: you cannot please everybody.

    Sabi niya: "Hindi lahat ng tao matutuwa, na akala nila nagyayabang lang, pero kahit ano pa mang negative na sabihin nila, wag na lang po pansinin."

    Continue reading below ↓

    HAPPY RELATIONSHIP

    Ang mahalaga lang kay Geofrey ay mabuti at mas tumibay ang pagsasama nila ng kanyang nobyang si Arl.

    May pinagdaanan din kasi silang hamon ngayong pandemya.

    Nag-positive kasi sa COVID-19 ang magkasintahan, pero nalampasan nila ito.

    Tungkol sa pinagdaanan nila ngayong pandemic: "Naging mahirap din po lalo na nung mga time na nag-positive kami sa COVID-19.

    "Pero sabi nga nila basta magkakasama, kaya lampasan ang lahat, lalo na pag may pananalig sa Diyos."

    Sabi ni Geofrey tungkol sa pagsasama nila ni Arl: "Sa loob naman po ng dalawang taon, masaya naman kami.

    "Puro future plans na lang iniisip namin ngayon."

    We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from SPIN.ph and other Summit Media websites.

    Read Next
    Sorry, no results found for
    PHOTO: Geofrey Bautista Camia/Facebook
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result