Rank Country Gold Silver Bronze Total
    View Today
    Thu, Mar 4

    Biancake and Alden Richards? Esports streamer denies 'Alcake'

    Apr 14, 2020

    (Pep.ph) Itinanggi ng popular gamer na si Bianca Yao na may namamagitan sa kanila ng aktor na si Alden Richards.

    Si Bianca, 22, ay isang game streamer-vlogger na kilala sa eSports community.

    Kinilala siyang Gaming Influencer of the Year sa IRL Awards 2019 ng gaming community.

    Nasa 1.3 million ang followers ni Bianca sa Facebook, kung saan regular siyang nagla-live stream ng kanyang games.

    Si Alden, 28, ang actor-TV host-recording artist-businessman na superstar ng GMA-7.

    Kilala rin si Alden sa pagkahilig sa paglalaro ng online games.

    SEE ALSO
    SEE ALSO

    Parehong single, nali-link ngayon sina Bianca at Alden.

    Ito ay matapos magkaroon ng online shipping o fandom ang dalawa na binansagang "AlCake."

    Ang "Al" ay si Alden, habang ang "Cake" ay galing sa BianCake-ang pangalan ni Bianca sa gaming community at sa kanyang social media accounts.

    ALDEN GAVE FACEBOOK STARS TO BIANCA

    April 5 nang nagsimula ang shipping kina Alden at Bianca.

    Ito ay matapos magbigay ng 3,500 stars si Alden kay Bianca habang naka-live stream ang paglalaro ng dalaga ng Defense of the Ancients 2 (DOTA).

    Continue reading below ↓

    Ang stars ay Facebook currency na may katumbas na aktuwal na monetary value para sa streamer.

    Maaaring bumili ng stars ang viewers at ibigay ang mga ito sa streamer bilang regalo.

    Continue reading below ↓
    Recommended Videos

    Ang bawat isang star ay nagkakahalaga ng $US0.01.

    Noong una ay hindi alam ni Bianca na si Alden ang nagbigay sa kanya ng stars.

    Nagpasalamat lang ang dalaga sa 1,000 stars na ibinigay ng isang "Richard Reyes Faulkerson Jr.".

    Mga ka-chat na kapwa gamers ang nagsabi kay Bianca na si Richard Reyes Faulkerson Jr. ay ang aktor na si Alden Richards.

    Nagulat si Bianca.

    Pagkatapos magpasalamat ay natatawang humirit ang dalaga ng: "Dapat hindi lang 1,000 stars."

    Kaagad namang nagpadala si Alden ng dagdag na 2,500 stars.

    Kinikilig at natatawang sambit ni Bianca: "Wag kang ganyan, Alden. Marupok ako. Wag kang ganyan."

    "DI NA KITA BUBUGBUGIN, AALAGAAN NA LANG KITA"

    Sa isa pang streaming ni Bianca, muling nagpadala ng 2,500 stars si Alden sa kanya.

    Continue reading below ↓

    Saglit na natigilan ang game streamer, 'tsaka sinabi nito: "Wait lang, wala na. Nawala na ako sa laro."

    Nagpasalamat uli si Bianca kay Alden.

    Inaya rin niya ang aktor na maglaro sila ng DOTA.

    Biro ni Bianca: "Sali ka DOTA, bubugbugin kita"

    Nag-chat si Alden: "Huwag mo naman ako bugbugin [angel halo emoji]"

    Pabirong sagot ni Bianca: "Sige na nga, di na kita bubugbugin.

    "Aalagaan na lang kita."

    BIANCA SAYS THERE'S NO "ALCAKE"

    Nang araw na iyon, maraming gamers ang nag-tweet tungkol sa nakakakilig na palitan ng mensahe nina Bianca at Alden sa streaming.

    Gamit ang #AlCake hashtag, narito ang ilan sa mga komento ng gamers:

    Continue reading below ↓

    Continue reading below ↓

    Continue reading below ↓

    Pero sa streaming ni Bianca kinabukasan, April 6, seryoso siyang nagbigay ng mensahe sa mga kapwa gamers.

    Binanggit ni Bianca ang pangalan ng mga gamers na nagbabala sa kanya sa posibilidad na makatanggap siya ng bashing mula sa fans ni Alden.

    Giit ni Bianca, huwag sanang bigyan ng malisya ang pagbibigay sa kanya ni Alden ng Facebook stars.

    Continue reading below ↓

    Aniya, madalas talagang mamigay ng stars sa ibang gamers si Alden bilang pagpapakita ng suporta ng aktor sa gaming community.

    Paliwanag ni Bianca: "Guys, mabait lang talaga yung tao.

    "Nagsu-support siya sa mga gamers, in general, hindi lang ako.

    "Huwag nating bigyan ng kahulugan lahat ng bagay.

    "May mga tao talagang masaya lang kapag nakakapagpasaya ng ibang tao."

    BIANCA APOLOGIZES TO ALDEN'S FANS

    Bagamat walang binanggit si Bianca kung na-bash na siya ng fans ni Alden, nag-sorry siya sa mga ito.

    "Gusto ko lang rin sabihin sa mga fans niya na, kung may nasabi man akong hindi maganda, sorry... and hindi ko sinasadya kung ano man yun.

    "Sa naalala ko, wala pa naman."

    Ang paghingi ng paumanhin ni Bianca ay may kinalaman sa mga nabasa raw niyang "sari-saring comments."

    Pero hindi na niya ito idinetalye.

    Patuloy ni Bianca, "May nakikita akong mga saring-sari comments... basta mabait lang talaga iyong tao."

    Continue reading below ↓

    "DAPAT NIRERESPETO RIN NATIN KUNG ANONG GUSTONG GAWIN NG IDOL NATIN"

    Sa isa pang streaming ni Bianca ng araw na iyon, muli siyang nakiusap na huwag silang bigyan ng malisya ni Alden.

    Sa kanyang mensahe sa fans ni Alden, sinabi ng dalaga na naiintindihan niya ang pag-aalala ng mga ito para sa aktor.

    Fan din daw si Bianca, at aminadong idol niya si Jenny ng sikat na Korean all-girl group na BlackPink.

    Sabi ni Bianca sa fans ni Alden. "Naiintindihan ko naman iyong concern ninyo.

    "Minsan may blind spot lang tayo bilang fan."

    Pero dapat daw tandaan ng fans na mahalagang bigyang laya ang iniidolong celebrities na gawin ang gusto nila nang walang panghuhusga.

    Patuloy ni Bianca, "Dapat inirerespeto rin natin kung anong gustong gawin ng idol natin without kahit anong panghuhusga o malisya.

    "Bigyan na lang natin sila ng freedom na gawin kung anong gustong gawin nila.

    "Kasi ang hirap para sa kanila na kahit anong galaw nila, binibigyan natin ng kahulugan."

    Continue reading below ↓

    Sa huli, kinikilig na nagbiro si Bianca: "At saka, ngayon ko lang sasabihin ito...

    "Wag nga kayong makulit, wala pa nga sa getting-to-know part, e!"

    Sinundan ito ni Bianca ng paghalakhak habang patuloy na kinikilig.

    Dugtong pa niya: "Pero, di ba? Sana."

    Pero kahit naitanggi na ni Bianca ang isyu, patuloy na tina-tag ng shippers si Alden sa Instagram posts ng game streamer.

    Continue reading below ↓

    Continue reading below ↓

    Continue reading below ↓

    Hindi naman nagre-react si Bianca sa mga ito.

    Read Next
    Sorry, no results found for
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result