Rank Country Gold Silver Bronze Total
    View Today
    Wed, Apr 14

    Z Gorres at ‘Pretty Boy’ Lucas, nasaan na nga ba sila?

    Oct 31, 2018
    PHOTO: YouTube video grab

    MADALAS nating marinig ang ‘career-ending injury’ sa mga atleta, particular sa mga basketbolista.

    May knee, foot, ankle injury, mayroon ding shoulder, back injury at kung anu-ano pa.

    Hindi ba’t nagretiro si Kobe ‘Black Mamba’ Bryant dahil sa pabalik-balik na ankle injury? Napilitan ring isabit nina Tracy McGrady, Brandon Roy, Steve Nash, Grant Hill, Amare Stoudemire at maging si Yao Ming ang kani-kanilang NBA jerseys dahil sa injury.

    Pero sa boksing, bihira ang natitigil ang career dahil sa mga nabanggit na injury. Dahil kadalasan ‘life-threatening injury’ ang nakukuha ng mga boksingero, professional man o amateur, sa laban man o isparing.

    Sa bawat suntok na binibitawan at tinatanggap ng magkalabang boksingero, kaakibat ang disgrasya. Kahit pa nga nasa tamang kundisyon ang isang boksingero para sa laban, nadidisgrasya.

    Ilan sa mga Filipinong boksingero ang nadisgrasya sa laban at matapos maoperahan sa ulo (sanhi ng blood clot), ay nagsusumikap na maging normal muli ang buhay.

    Continue reading below ↓

    Banggitin natin sina Z Gorres at Domingo ‘Pretty Boy’ Lucas.

    Nasaan na nga ba sina?

    Continue reading below ↓
    Recommended Videos

    Sa pamosong ALA Boxing Stable ng Cebu City, dito nagsimulang nangarap si ZC (Zeta Celestino) Gorres na balang araw ay sisikat at kikilalanin sa buong mundo.

    Naging Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF) super flyweight champion noong 2006 nang talunin si Waenpetch Chuwatana ng Thailand.

    Continue reading below ↓

    Nang sumunod na taon, nabigyan ng tsansa si Gorres na mapasabak kay WBO super flyweight king Fernando Montiel, subalit natalo via split decision.

    Pebrero 2008, hinarap naman ni Gorres si former IBF flyweight champion Vic Darchinyan, para sa IBF title eliminator, kung saan ang mananalo ay hahamon sa noo’y IBF super flyweight holder na si Dimitri Kirilov ng Russia.

    Tabla ang resulta ng Gorres-Darchinyan fight. Labanang nauwi sa bottle-throwing incident nang hindi magustuhan ng mga manonood ang kilabasanan ng laban, pati na ang naging officiating.

    Dahil mas mataas ang ranking ni Darchinyan, siya ang nabigyan ng tsansang harapin si Kirilov.

    Umakyat sa bantamweight division si Gorres at nagawang maipanalo ang una niyang laban sa 118-lb category laban kay former IBF minimumweight titlist Roberto Carlos Leyva sa 7th round.

    SEE ALSO
    SEE ALSO

    CAREER-ENDING O LIFE-THREATENING?

    Sabi ng matatanda, malas ang trese.

    Masasabing totoo ito kay Gorres.

    Dahil sino’ng mag-aakalang matapos ideklarang winner sa kanyang 10-round bout kay Luis Melendez noong Nobyembre 13, 2009 sa Mandalay Bay, Las Vegas, ay biglang nag-collapse si Gorres sa ibabaw ng ring.

    Continue reading below ↓

    Agad na dinala sa pagamutan ang noo’y 27 anyos na si Gorres. Agad ring inoperahan sa ulo, upang alisin ang blood clot sa kaliwang bahagi ng kanyang utak.

    Pag-uwi ng Pilipinas makalipas ang halos tatlong buwan sa ospital, sumailalim sa physical therapy si Gorres, kung saan isa sa nagkaloob ng tulong (maliban sa manager na si Mr. Antonio Aldeguer) ay walang iba kundi si Sen. Manny Pacquiao.

    Siyam na taon makalipas ang pangyayari sa Las Vegas, kumusta na ang ngayo’y 36 anyos na si Gorres.

    “Ok naman po ako sa awa ng Diyos,” panimulang mensahe ni Gorres. “Ngayon po tumutulong lang ako sa maliit na karinderya namin.”

    Sa kabila ng nangyari sa kanya, hindi nagsisi si Gorres na naging boksingero siya.

    “Hindi, Love ko ang boksing kaya, wala akong pinagsisihan,” wika niya.

    “Wala talaga [pagsisisi]. Life must go on pa rin dahil sa mga anak at sa mga taong tumulong sa akin para ipagpatuloy ko ang buhay.”

    Continue reading below ↓

    Ayon kay Gorres, masaya siya, bagamat kinakapos sa pang-araw-araw na gastusin, lalo na’t apat ang kanyang mga anak na nag-aaral. Lalo na’t nag-iisa na lamang siya sa buhay matapos nilang maghiwalay ng asawang si Datches, may tatlong taon na ang nakalilipas.

    “Mag-three years na po kaming hiwalay. Mahirap din (mag-isa sa buhay), pero buti na lang nandito ang parents ko at mga kapatid, pati si Mr. Aldeguer na laging tumutulong sa akin,” kuwento niya.

    Muntik na siyang mamatay dahil sa nangyari sa kanya, papayag ba siyang mag-boksing ang kanyang mga anak [na tatlong lalaki]?

    “Yes. Payagan ko kung gusto talaga nila, wala akong magagawa, support lang ako sa kanila,” lahad ni Gorres.

    Hindi rin nabawasan ang pagkahilig ni Gorres sa boksing. Katunayan ay nanonood pa rin siya ng mga laban ng mga ka-stable.

    “Opo, nanonood ako, kasi love ko ang boxing,” aniya.

    Edad 27 lang si Gorres nang madisgrasya sa laban, pero, kung muli siyang ipapanganak, gugustuhin pa rin niyang mag boksing?

    Continue reading below ↓

    “Kung ipanganak ako ulit, gusto ko pa ring maging boksingero. Masaya ako sa pagboksing, love ko ang boxing.”

    At sa mga nagsisimula pa lamang ng karera sa boksing, para kay Gorres, walang makatatalo kung magsusumikap nang todo.

    “You should think positive always. Kailangan always prepared kayo sa laban, tiyaga lang talaga para makamit nyo ang pangarap nyo,” pagwawakas niya.

    Continue reading below ↓

    UNANG PRETTY BOY NG PHILIPPINE BOXING

    Taong 1995 naman nang madisgrasya si Domingo ‘Pretty Boy’ Lucas sa isang laban sa Japan. Natalo ang tubong Norzagaray, Bulacan fighter sa kamay ng Koreanong si Chang Jae Kwon.

    Dalawang buwan siyang naratay sa ospital sa Japan, matapos operahan sa ulo sanhi rin ng blood clot.

    Si Lucas ang unang nakilalang ‘Pretty Boy’ sa Philippine boxing. Dito sa Pilipinas, halos walang tumalo kay Lucas sa minimumweight division noong kanyang kapanahunan.

    Ang ‘Pretty Boy’ ay nakakabit na ngayon sa pangalan ni reigning IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas.

    Ayon kay Lucas, ngayo’y 53 anyos na, dahil sa insidente, kamuntik na niyang hindi nasilayan ang kanyang anak na si Aljun, na isa na ngayong accountant. Habang walang malay na nakaratay si Lucas sa ospital, isinilang naman ang kanyang anak.

    “Nabuhay ako, kasi para makita at makasama ko ang aking anak,” sambit ni Lucas.

    Continue reading below ↓

    Nang nakakarekober na si Lucas, naging barangay tanod siya sa kanilang lugar upang kumita.

    “Mahirap ang kalagayan ng mga kagaya ko, pero tuloy lang ang buhay,” wika niya.

    Katulad ni Gorres, mag-isa rin sa buhay si Lucas, matapos silang maghiwalay ng asawa ilang taon makalipas ang nangyari sa kanya sa Japan.

    “Malungkot, mag-isa lang sa buhay, pero kinakaya, iniisip ko na lang na may dahilan pa kaya ako naririto,” lahad ni Lucas.

    Read Next
    Sorry, no results found for
    PHOTO: YouTube video grab
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result