Rank Country Gold Silver Bronze Total
    View Today
    Mon, Nov 29

    Malalim na nga ba ang 'silent war' sa pagitan ni Buboy at Roach?

    Aug 24, 2021
    PHOTO: Wendell Alinea

    KUNG mayroon higit na naapektuhan sa pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Yordenis Ugas, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila), walang iba kundi si Buboy Fernandez.

    Tinalo ni Ugas ang Pambansang Kamao via unanimous decision sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, kung saan marami ang nakapansin na si Hall of Fame trainer Freddie Roach ang nasa loob ng ring at nagbibigay ng instruction kay Pacquiao, sa kabila na si Fernandez ang itinalagang head coach.

    Nung tinanong bakit hindi sy'a ang nasa loob ng corner ni Pacquiao, sandaling tumahimik si Fernandez at ngumiti ng hilaw, pero wala siyang sinabing dahilan.

    Ngunit binigyang diin din ni Fernandez na hindi niya natiis na hindi magsalita kahit si Roach ang nasa loob, partikular sa mga rounds na nakita niyang nasasaktan na si Pacquiao.

    "Sa instruction talaga pinilit kong makapagbigay kahit si Freddie nasa loob, e kasi nakikita ko na 'yung kaibigan ko na nasasaktan e," lahad ni Fernandez, na bise-alkalde ng Polangui, Albay.

    Continue reading below ↓

    Manny Pacquiao at Freddie Roach

    Continue reading below ↓
    Recommended Videos

    "Inano ko lang 'yung attention (ni Manny). Hindi ko talaga ibinigay sa kanya (Freddie) 'yung ano, nagsalita pa rin ako. Pero wala tayo magawa, 'yun ang ano nila, sige lang, mahirap magsalita," dagdag pa ni Fernandez.

    Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang namuong 'silent war' sa loob ng Pacquiao camp, partikular na sa hanay ng mga trainers nito. Ilang minuto na lang bago ang laban noong linggo, dama pa rin ang tensiyon sa dalawang kampo.

    Continue reading below ↓

    Habang nagwa-warm up umano si Pacquiao at pinapasuntok ni Fernandez sa punch-mitts bago ang laban kay Ugas, nang bigla umanong kunin ni Roach kay Fernandez ang punch-mitt at ito na ang nagpasuntok kay Pacquiao.

    "Nagulat si Kuya Buboy, kasi sila ni Boss Manny ang nagpunch-mitt, pero kinuha ni Roach at siya ang gumawa," lahad ng source na nakasaksi sa dressing room.

    Continue reading below ↓

    Ayon pa sa source, kahit noong laban ni Pacquiao kay Keith Thurman noong 2019, malinaw ang alam ng lahat na si Fernandez ang head coach/trainer at consultant si Roach. Pero pagdating sa gabi ng laban, nasa labas ng corner si Fernandez.

    "Hindi matanggap ni Roach na consultant lang siya, si Kuya Buboy ang head coach," dagdag pa ng source. "Sa laban, wala na nagawa si Kuya Buboy, si Freddie na 'yung nasa loob."

    Noong Sabado ng gabi, habang naghihintay sa post-fight conference, may tinukoy si Fernandez na isang artikulo, kung saan sinabi umano ni Roach na pinagtulungan siya na tanggalin sa coaching staff ni Pacquiao.

    MORE FROM SPIN
    MORE FROM SPIN

      "Yun ang sinasabi ni Freddie, pinagtulungan daw namin siya," ani Fernandez. "Hindi naman namin siya tinatanggal."

      Lalaban pa ba o magreretiro na?

      Samantala, sinabi ni Fernandez na hindi niya saklaw ang anumang magiging desisyon ni Pacquiao pagdating sa kanyang career pagkatapos ng masakit na pagkatalo sa kamay ng dehado na si Ugas.

      Continue reading below ↓

      Pero diniin ni Fernandez na sakaling magretiro ni Manny, wala nang comeback.

      "Napatunayan na natin, sa ano siguro kung blessings nabigay na lahat e. Kung oras na talaga isasabit na natin 'yung gloves, pag sinabit na, wala nang balikan. Pag sinabit na, 'yun lang naman ang ano ko," wika ni Fernandez.

      MORE FROM SPIN
      MORE FROM SPIN

        Gayunpaman, ayaw niyang pangunahan ang kababata.

        "Siya magsasabi, sabi naman niya ia-announce niya next month, hintayin na lang natin," ani ni Fernandez.

        We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from SPIN.ph and other Summit Media websites.

        Read Next
        Sorry, no results found for
        PHOTO: Wendell Alinea
      • POLL

        • Quiz

          Quiz Result