Rank Country Gold Silver Bronze Total
    View Today
    Wed, Oct 28

    Isang Penalosa ang naghahasa sa boxing skills ni Brandon Vera. Kilalanin s'ya

    Oct 19, 2018

    KAPAG usapang boksing, walang hindi nakakakilala at nakasubaybay sa magkakapatid na Penalosa.

    Mula kay Dodie Boy, na sa kabila ng pagiging polio victim, ay naging unang Pinoy boxer na humawak ng dalawang kampeonato (IBF junior flyweight at IBF flyweight division), si Jonathan, na dalawang beses namang sumabak sa world title fight, hanggang sa bunsong si Gerry, na dalawang beses ding tinanghal na kampeon - batid ng lahat na utang ng magkakapatid ang kanilang tagumpay sa amang si Carlos ‘Carl’ Penalosa Sr.

    Si Mang Carl, bilang trainer, ang humubog sa magkakapatid.

    Pero, alam n’yo bang hindi magagawa ni Mang Carl nang nag-iisa ang lahat, kung wala ang tulong ng kanyang assistant?

    Ang assistant trainer ay walang iba kundi ang kanyang dayunyor na si Carl o kilala rin bilang Irving.

    Si Irving ay naging miyembro ng national boxing team at kasabayan niya sina Efren Tabanas at Leopoldo Cantancio. Pero, hindi sumabak bilang professional boxer si Irving.

    Continue reading below ↓

    Sa halip, inasistehan na lamang niya ang ama sa pagtuturo sa kanyang mga kapatid.

    At nang mamatay si Mang Carl, si Irving ang pumalit sa kanyang trono, at katuwang niya ang isa pang kapatid na si Carmelo.

    Continue reading below ↓
    Recommended Videos

    Bagama’t matagal na ring nagretiro sina Dodie Boy, Jonathan at Gerry bilang mga boksingero, hindi pa rin tumitigil si Irving sa pagtuturo o sa pagiging boxing trainer.

    Continue reading below ↓

    Siya ang trainer ng mga pamangking sina Dodie Jr., Dave at Carlo.

    Bukod dito, ang 58-anyos na si Irving ay trainer din sa isa sa mga gym ng pamilya Elorde at sa gym ng kapatid na si Gerry.

    Ang kaalaman ni Irving sa pagtuturo ng boksing ay umabot na rin sa mixed martial arts.

    Katunayan, ilang araw matapos ang laban ng mga pamangkin sa Sky Dome (SM North Edsa) noong Setyembre 30, agad siyang lumipad patungong San Diego Alliance Training Center sa California (USA), upang makasama ni One Championship star Brandon Vera ng dalawa o higit pang buwan para sa paghahandang gagawin sa susunod nitong laban bago matapos ang taon.

    Pano nga ba siya napasok sa mixed martial arts?

    “Siguro 2009 pa magkakilala na kami (Vera), kasi dun sa gym niya sa San Diego nakakapasyal ako noon,” panimulang kuwento ni Irving.

    Taong 2014 nang kunin ng Fil-Am na MMA star ang serbisyo ni Irving bilang boxing trainer at apat na taon na ang nakalipas, siya pa rin ang kinokontak ng 41-anyos na si Vera sa tuwing naghahanda sa laban.

    Continue reading below ↓

    Ito’y sa kabila nang kawalan nila ng kontrata, bilang trainer-fighter.

    Dahil para kay Irving, sapat na ang tiwala at pagkakaintindihan nila sa isa’t isa.

    “Mutual understanhding lang,” wika ni Irving. “Sa tuwing may schedule fight siya (Vera), ako ung kinukuha niyang trainer (sa boxing). Pag nasa Manila rin kasi siya, dun sa gym ni Gerry nag-ensayo, kaya kami pa rin magkasama.”

    MORE FROM SPIN
    MORE FROM SPIN

      Bukod kay Irving, may Mexican at American trainers pa silang kasama sa grupo. Habang ang chief trainer ni Vera ay nagngangalang George Castro na isang Mexican. Ito ang nagbibigay ng instruction kay Vera sa oras ng laban sa octagon.

      “Bale apat kaming trainer, may Mexican, Amerikano. Pero, sa boxing training ni Brandon ako lang ang bahala, wala silang pakialam, basta ako ang magturo sa boxing,” esplika ni Irving.

      Ayon kay Irving, marahil ang pagkakaroon ng dugong Pinoy ni Vera ang dahilan kung bakit tiwala ito sa kakayahan ng isang katulad niya.

      Continue reading below ↓

      Inaasahang mananatili si Irving sa San Diego nang hanggang dalawang buwan at pagkatapos ay babalik sa Maynila upang ipagpatuloy ang trabaho dito.

      Read Next
      Sorry, no results found for
    • POLL

      • Quiz

        Quiz Result