Rank Country Gold Silver Bronze Total
    View Today
    Tue, Oct 19

    Flash-back: Mga aral ng buhay mula sa misis ng alamat na si Gabriel Elorde

    Jan 9, 2019

    TAUN-taon ay ginugunita ng Pamilya Elorde ang pagkamatay ni Gabriel ‘Flash’ Elorde.

    Nito ngang nakaraang Enero 2, muling nagtipun-tipon ang pamilya Elorde, sa pangunguna ni Mrs. Laura Elorde o Mommy Laura, maybahay ni Flash, upang gunitain ang ika-33 taon ng pagkamatay ng boksingero na nakahimlay sa Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque, na katapat lamang ng Elorde Sports Center.

    Maging ang puntod ng panganay na anak nina Mommy Laura at Flash na si Maria Luisa ay dinalaw at pinadasalan rin ng pamilya.

    Ang mga millennial ay hindi na marahil nakikilala si Flash Elorde.

    Sino nga ba siya?

    Ipinanganak noong Marso 25, 1935 sa Bogo, Cebu. Si Flash ay world champion sa super featherweight division noong 1960.

    Pagsapit ng 1963, napanalunan niya ang inaugural WBC at WBA super featherweight title. Hinawakan niya sa mahabang pitong taon ang nasabing korona. Ikinukunsiderang isa sa ‘best Filipino boxers of all time.’

    Nagkaroon tayo ng pagkakataong makapanayam si Mommy Laura at naibahagi niya ang ilang bagay na hindi natin alam noong nabubuhay pa si Flash at mga aral na maaari nating magamit sa ating buhay.

    Continue reading below ↓

    Kadiriwang lang ni Mommy Laura ng kanyang ika-91 kaarawan noong Disyembre 17. Yes, ka-birthday niya ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

    Continue reading below ↓
    Recommended Videos

    Napag-alaman nating hindi na masyadong nakakasubaybay si Mommy Laura sa Philippine boxing. Kaya hindi na siya updated sa mga nangyayari, maganda man o hindi.

    “Hindi ko na nasusubaybayan ang boxing. Matagal na akong hindi updated sa nangyayari sa boxing,” panimula ni Mommy Laura.

    Si Mommy Laura ay anak ng tinaguriang Grand Old Man of Philippine Boxing noong nabubuhay pang si Lolo Lope Sarreal Sr. , na siyang naging manager/promoter ni Flash noong kanyang kapanahunan.

    Ayon kay Mommy Laura, matagal na niyang ipinaubaya sa kanyang mga anak ang tungkol sa boksing, maging ang kanilang gym at boxing promotions.

    “Hindi na ako nakikialam dyan. Matagal na. Ipinaubaya ko na ang boksing sa aking mga anak,” ani Mommy Laura.

    Continue reading below ↓

    Ano na ba ang pinagkakaabalahan ni Mommy Laura sa edad 91?

    “Ginagawa ko ngayon, magdasal, matulog, magsimba, kumain,” natatawa niyang sambit.

    “Kumbaga sa eskuwela, matagal na akong graduate sa pag-asikaso sa mga anak, mga apo, sa boxing promotions, kaya I am just living my life the way I want it by spending time to pray, going to church na noon pa naman ay ginagawa ko na,” wika niya. “Saka wala rin akong pili sa pagkain, kung ano ang gusto ko, kinakain ko.”

    BILANG ISANG LOLA SA KANYANG MGA APO

    Ayon kay Mommy Laura, noong maliliit pa ang kanyang mga apo, sinusubaybayan niya ang mga ito, pero hindi niya pinanghihimasukan ang kanilang buhay.

    Katulad na lang ng pagpasok sa boksing ng dalawang apong sina Bai at Mig, anak nina Johnny at Liza Elorde.

    “E nasa kanila 'yan … maski papaano kasi marami pa ring boksingero sa paligid, may gym kami, e ‘yung mga bata ‘yun ang hilig nila,” aniya.

    Continue reading below ↓

    Dagdag niya: “Hindi na kailangan ang consent ko, basta pumayag ang mga magulang nila, at saka mabuti naman ang kanilang gawain, maige para sa kanila at maige ang kanilang character, okay, maganda ang kanilang takbo ng buhay.”

    “Kagaya nga ni Johnny, ang anak niya tatlong lalaki, dalawa boksingero, isa basketball player, ‘yun ang gusto nila at okay naman sila sa ganun,” wika pa ni Mommy Laura.

    PAMILYA MUNA BAGO ANG LAHAT

    Para kay Mommy Laura, ang isang boksingero ay dapat prayoridad ang kanyang pamilya.

    Na kahit sikat na at abala sa ensayo, hindi siya maeengganyong bumarkada para uminom, para mag-good time, kailangan ang pamilya ang priority niya, ang pag aaral ng mga anak. Kung may pamilya na, hindi dapat magluko.

    AT BILANG MAYBAHAY NG ISANG BOKSINGERO

    Ayon kay Mrs. Elorde, obligasyon ng maybahay na siguruhing mawalang problemang makakaapekto sa asawang boksingero, lalo na kung naghahanda ito para sa laban.

    “Wag bibigyan ng problema ang ama pag nag-eensayo at nagpapakundisyon,” aniya.

    Continue reading below ↓

    “Kahit marami kaming anak kinakailangan wag kaming gugulo sa kanyang pag-eensayo at pagboboksing, kailangan kami ng mga anak ko maayos ang kalagayan, ang buhay, para ung ama walang problema.”

    “Gaya nung ibang napapahiwalay, hindi mo masabi kung anong nangyayari sa kanila sa loob ng bahay nila.”

    “’Yung iba kasi, hindi nila kinilala mabuti ung napangasawa nila, basta nag-asawa sila, na ang buhay ay hindi galing sa maayos na pamilya, kaya siguro ‘yun ang nagiging dahilan kaya naghihiwalay.”

    ‘Yung iba ang babae ang nagiging dahilan ng pagkasira ng buhay may-asawa, dapat kung pinili mong mapangasawa ang isang boxer, tanggapin mo ang lahat sa kanya, dapat ang babae ay maging matatag sa lahat ng pagkakataon, hindi siya dapat sumusuko sa mga problemang pampamilya, para tumibay ang pagsasama.”

    Ayon kay Mrs. ELorde, kahit minsan ay hindi niya inisip na sana’y kasama pa niya si Flash at sabay silang tumatanda.

    “Ah, hindi, hindi sumagi sa akin ‘yon, dahil oras na ng pahinga niya at saka ung kanyang mga nagawa ay sapat na. At saka hindi natin masisilip kung hanggang kelan tayo mabubuhay,” lahad ni Mrs. Elorde.

    Continue reading below ↓

    KUNG MULING IPANGANGANAK

    “Itong buhay ko pa ring ito ang pipilin ko, kasi kuntentado ako. Hindi ako nag-iisip o nagsisisi na dapat naging iba ang buhay ko, okey lang ang naging buhay ko.”

    Read Next
    Sorry, no results found for
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result