Rank Country Gold Silver Bronze Total
    View Today
    Tue, Oct 19

    Donaire: Respeto kailangan manaig bago matuloy laban vs Casimero

    Aug 21, 2021
    Johnriel Casimero Nonito Donaire
    PHOTO: Jhay Otamias

    LAS VEGAS - Para kay Nonito Donaire, Jr., kailangan manaig ang respeto para matuloy ang laban nila ng kababayang si John Riel Casimero.

    Inamin ng WBC bantamweight champion na nandun pa rin ang kagustuhan n'yang makaharap ang kapwa Pilipino at si Naoya Inoue, dahil sa kagustuhan nitong maging undisputed champion.

    "Kung hindi siya, si (Naoya) Inoue, kasi mas malaki 'yun. Siya naman, kung hindi ako, si Inoue, it's a bigger fight," ani Donaire. "I like the fight to happen, because I want to be the undisputed champion, and 'yun ang rival ko."

    "Depende lang kung ano ng mangyayari sa negotiation," dagdag ng US-based na boksingero.

    MORE FROM SPIN
    MORE FROM SPIN

      Kung matatandaan, sina Donaire at Casimero ang dapat nagtapat noong Agosto 14 para sa unification match. Subalit nakansela ang laban, matapos ang halos isang linggong 'trash talking' ng magkabilang kampo, kung saan hindi nagustuhan ni Donaire ang aniya'y pambabastos sa kanyang asawa at manager na si Rachel.

      Continue reading below ↓

      Binanggit ni Donaire na may posibilidad pa ring magkaharap sila ni Casimero, kung magbabago ang tono at pakikiharap ng kanyang karibal.

      "Ako, I respect the sport of boxing. Proud ako na Pilipino ako, at gusto ko na makita ng mga tao na ang Pilipino may class, kaya nga hindi natuloy 'yung laban (with Casimero), because I don't want the world to see that the Filipinos are bastos, the Filipinos are mayabang, and then of course, binabastos nila 'yung asawa ko," ani Donaire.

      Continue reading below ↓
      Recommended Videos

      'I wish the fight to happen'

      "Boksing ito e, kung may sasabihin ka, sabihin mo sa mukha ko, wala akong time na magbabastos ng tao. Kung laban ang gusto mo, laban tayo sa ring, yun lang."

      Maganda sana, ani Donaire, na ipakita nilang dalawa ni Casimero na ang mga Pilipino ay mararangal na tao, kung sila man ay magkaharap sa loob ng ring.

      "Kung matuloy man ang laban, respeto lang ang gusto ko sa side ng dalawang kampo, kasi Pilipino tayo, dapat maging proud tayo na for the first time in the history of boxing makikita nilang lahat, sa buong mundo, dalawang Pilipino ang maglalaban for the title and you're degrading it by being rude, in being bastos.

      Continue reading below ↓

      "I pray for you to find your soul, because I wish the fight to happen, you know, gusto ko talaga maging undisputed [na champion]," mahabang pahayag ni Donaire.

      MORE FROM SPIN
      MORE FROM SPIN

        Bukod sa respeto, ayon kay Donaire, kung nais ni Casimero na matuloy ang nabinbing laban nila, kailangan ng Ormoc City native na sumunod sa mga terms na ibibigay ng kampo ni Donaire.

        "Maging si Inoue ay may terms and conditions ding hinihingi bago labanan si Casimero," sabi ni Donaire. "If they fight, may term si Inoue, I also have my terms, if he will not follow my terms, walang laban."

        We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from SPIN.ph and other Summit Media websites.

        Read Next
        Sorry, no results found for
        PHOTO: Jhay Otamias
      • POLL

        • Quiz

          Quiz Result