Rank Country Gold Silver Bronze Total
    View Today
    Tue, Oct 19

    Donaire inaming inantok sa laban ni Casimero at Rigondeaux

    Aug 20, 2021
    PHOTO: =

    NITONG nakaraang Sabado (Agosto 14), napanatili ni John Riel Casimero ang kanyang WBO bantamweight crown matapos umiskor ng split decision win kontra sa takbuhing si Guillermo Rigondeaux.

    Maraming hindi nasiyahan sa naging takbo ng 12-round match, kung saan walang ginawa si Rigondeaux kundi tumakbo at iwasang nakipagpalitan ng suntok habang buong round din na hinabul-habol siya ni Casimero.

    Isa sa nakapanood at hindi nasiyahan sa nasabing laban ay walang iba kundi si WBC bantamweight champion Nonito "The Filipino Flash" Donaire, na hindi umano napigilang antukin habang nanonood.

    "Nakita ko, nakatulog ako, nakatulog ako ng konti," nakangiting sambit ni Donaire, na matatandaang natalo kay Rigondeaux sa laban nila noong 2013.

    MORE FROM SPIN
    MORE FROM SPIN

      Dagdag ng 38-anyos na si Donaire: "Nakikita ko na, aahh, kasi wala naman talaga, 44 punches and 47, there was no really action na makikita to decide kung ano 'yung nakita ko. Wala naman kasi silang ginawa e na klaro kung sinong nanalo."

      Continue reading below ↓

      Ayon kay Donaire, malinaw na si Casimero ang agresibo sa laban, ngunit si Rigondeaux ang nakatama sa pinakamalakas na suntok sa laban.

      "Kasi alam ko na tumatakbo si ano, wala namang nakuhang maraming suntok. Kung titingnan natin kung sino 'yung pinakamalakas na suntok na naglanding, si Rigondeaux 'yung nakatama ng malaking suntok, si Casimero lang ang aggressor," ani Donaire.

      Continue reading below ↓
      Recommended Videos

      Johnriel Casimero

      Continue reading below ↓

      Kung matatandaan, sina Donaire at Casimero ang dapat nagtapat noong Agosto 14 para sa unification match. Subalit, nakansela ang laban, matapos ang halos isang linggong 'trash talking' ng magkabilang kampo, kung saan hindi nagustuhan ni Donaire ang aniya'y pambabastos sa kanyang asawa at manager na si Rachel.

      Binanggit din ni Donaire na may posibilidad pa ring magkaharap sila ni Casimero, dahil ang habol niya ay maging undisputed champion at hawak ng huli ang isa sa mga belt (WBO).

      MORE FROM SPIN
      MORE FROM SPIN

        "May posibilidad, kasi magkatimbang kami at nandun 'yung title niya, na gusto kong kunin kasi gusto kong maging undisputed champion," wika ni Donaire.

        We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from SPIN.ph and other Summit Media websites.

        Read Next
        Sorry, no results found for
        PHOTO: =
      • POLL

        • Quiz

          Quiz Result