Sorry, no results found for
    View Today
    Sat, Aug 18

    Aanhin pa ang damo kung patay na kabayo?

    May 15, 2014
    Former boxer Anthony Villanueva, the country's first Olympic silver medalist, died in his sleep on Tuesday morning after being bedridden for so long. Chino Trinidad

    ETO ay isang kawikaan na orihinal na Pilipino na akmang-akma sa kinahinatnan ng unang nagbigay sa ating bansa ng silver medal noong 1964 Tokyo Olympics.

    Nakakatabang puso ang mga nababasa nating mga papuri sa nagawa ni Anthony Villanueva limampung taon na ang nakakalipas.

    Sana nga lang ay nabasa o di kaya narining man lang niya lahat ng ito noong siya'y nabubuhay pa.

    Laking panghihinayang ko sapagkat natagalan bago ko natunton ang kanyang lugar sa Cabuyao, Laguna noong nakaraang buwan na nakaratay sa kanyang higaan sa likod ng isang gulayan sa palengke ng Barangay Baclaran.

    At dahil sapat lang naman ang aking kinikita at wala naman ako ng milyun-milyong piso na itinatapon lang ng mga kagaya ng ating kasalukuyang ipininagmamalaking si Manny Pacquiao ay naghanap ako ng malalapitan ng tulong upang mapadala man lang sa ospital si Tatay Boy.

    May sumagot naman agad at magpapadala daw ng tulong para sa ating Tunay Na Bayani. Yun lang hanggang mama-alam na si Tatay Boy ni singkong duling wala siyang natanggap sa pangako ng kilalang patron of sports na siguro ay nalulunod na rin sa dami ng humihingi ng tulong sa kanya.

    Huwag po kayo mag-alala Ginoong Anthony Villanueva. 

    Gaya ng nasabi ko sa inyo ay hindi ko papabayaang mabaon sa limot ang mga ginawa mo at ng iba pa nating mga Tunay Na Bayani sa Larangan ng Sports.

    Sa ganitong paraan lamang namin kayo mapapasalamatan sa inyong ipinakitang kagitingan!

    Read Next
    We recommend
    MORE FROM SUMMIT MEDIA
    Sponsored Content
    Former boxer Anthony Villanueva, the country's first Olympic silver medalist, died in his sleep on Tuesday morning after being bedridden for so long. Chino Trinidad
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result