Sorry, no results found for
    View Today
    Fri, Jul 20

    Quote #56

    Aug 26, 2013

    THROWBACK SI BELGA: Dati pinagtatawanan lamang ang undersized but overweight power forward ng Rain or Shine na si Beau Belga.

    Tawag nga sa kanya ay 'Extra Rice,' obviously referring to his extra poundage.

    Ang hindi alam ng marami ay may determination ang tubong Sorsogon na maging elite player ng bansa.

    Toughness ang dinadala niya sa equation. 

    At ito ang nakita ng Gilas Pilipinas when he was named as a late addition to our national squad that was then in the thick of preparations for the tough Fiba-Asia world qualifiers.

    Alam na ng lahat na si Belga ang last man to be cut by coach Chot Reyes na matagal pinag-isipan kung sino kina Japeth Aguilar, Junemar Fajardo at Beau ang ilalagay niya sa 12th man ng ating official lineup.

    Hindi nagtampo at sa halip tinanggap ng malugod ni Belga na maing '13th man ng Gilas Pilipinas' at hindi niya iniwan ang pambansang koponan.

    Belga played an integral part by pushing bigs Aguilar and Fajardo hard in practice during the magical run of Gilas. During games, Belga served as a motivator to Fajardo ang Aguilar as he constantly reminded his fellow bigs to play it tough.

    Ang silver medal ni team manager Butch Antonio na siyang ibinigay niya kay Beau noong awarding ceremonies last August 11 ay nagsilbing validation ng respeto na kanyang nakamit dahil sa kanyang street tough ways.

    "Talagang mahal ko ‘yong basketball. Very passionate ako pagdating sa basketball. Hindi ko papayagan na itong pwesto ko ngayon may umagaw sa akin," said Belga.

    Continue reading below ↓

    "Talagang nagtatayo ako ng pondasyon. Ang basketball sa akin talagang  ito na ang buhay ko."

    Read Next
    We recommend
    MORE FROM SUMMIT MEDIA
    Sponsored Content
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result