Rank Country Gold Silver Bronze Total
    View Today
    Wed, Oct 21

    Kilalanin natin ang dalawa sa mga batikang referees ng PBA

    Nov 27, 2018
    PHOTO: Jerome Ascano

    HINDI raw kumpleto ang kare-kare kung walang bagoong.

    At dahil mahalagang sangkap ng kare-kare ang bagoong, importanteng bahagi naman sa isang basketball game at sa liga mismo ang mga referees.

    Ngayong papalapit na ang pinale ng PBA Governor’s Cup, inaasahang mas magiging ma-intensidad ang bawat laro. Maging ang samut-saring emosyon ay maglalabasan, hindi lang mula sa mga players, coaches, kundi higit sa lahat sa mga manonood.

    Dito papasok ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga referees.

    Ang PBA (Philippine Basketball Association) ay may 19 referees (17 lalaki at 2 babae), na sumasalang para pumito mula sa elimination hanggang sa final. Hindi sila dekorasyon lang sa isang laro. Sa bawat pagpito - may pabor at hindi.

    Para kina Joseph ‘Bing’ Oliva at Marilee Aguilar Orioste o MAO, ang passion o pagkahilig sa larong basketball ang unang-unang kuwalipikasyon para maging epektibong referee.

    Paano ba sila naging referees?

    “Kailangan po college graduate, sa lalaki 5’9” ang height, sa babae at least 5’3” ang height,” panimula ni Bing Oliva, na anim na taon nang pumipito sa pro league at nagmula sa Aparri, Cagayan. “Hindi ako nakapaglaro sa varsity team dito sa Manila, pero doon sa amin sa probinsiya ako naglaro, then pumasok akong referee under SBP umbrella league, doon ako nagsimula.”

    Continue reading below ↓
    Continue reading below ↓
    Recommended Videos

    Para kay MAO, aksidente lamang umano ang pagkakapasok niya sa PBA, niyakag lang siya ng isang kaibigan na subukan.

    “By accident lang po (pagpasok ko sa PBA), niyaya ako ng isang kaibigan dahil nangangailangan daw po ang PBA. Dahil dati naman akong varsity player sa Laguna State Polytechnic University, at talagang passion ko ang basketball, kaya heto po ako, bale four years na po ako dito kasama ang training,” pahayag ni MAO.

    Continue reading below ↓

    Kung may training ang mga manlalaro, gayundin ang mga referees.

    Katunayan, dalawang beses sa isang lingo ang kanilang workout, at isang araw na review ng compilation ng mga nagdaang mga laro, kung saan binabalikan ang mga laro at nirerebyu ang lahat ng itinawag nila sa bawat laro.

    “May training po kami, ung sa lalaki po talagang survival of the fittest, matira matibay, kasi yung mga players sobrang training din ang ginagawa kaya kailangan naming tapatan yun. Kung tumatakbo sila, kailangan din naming tumakbo, lalo na sa laro,” kuwento ni Bing.

    PAANO INA-ASSIGN ANG REPERI?

    “Bale po, makakatanggap kami ng text. Then at least two hours [bago ang laro] nasa venue na kami. With the presence po ng representatives nung magkalabang teams plus GAB (Games and Amusement Board) rep at ung chief namin, bubunutin po ung name namin,” esplika ni MAO.

    Dagdag ni Bing: “Pero bago pa man po ‘yung game, kunwari po ung game bukas, bale nire-review na naming mga reperi ung mga teams, regardless kung anong opposing teams kami maa-assign. Nire-review na namin kung ano ba ang team na ito, kung running team, defensive team, para po alam na namin kung saan kami pupuwesto at kung anong game ang ini-expect namin.”

    Continue reading below ↓

    “Hindi po kami basta sumasalang, inaaral po namin kung ang team na ito ay physical maglaro, pati po ‘yung mga match-up,” wika ni MAO.

    “May tinatawag po kasi kaming pre-huddle, kumbaga kung ‘yung teams may preparation, meron din po kami, kung ganito ‘yung senaryo, ganito ‘yung movement natin, or pag-transition mabilis tayo, kaya po sa pre-huddle pa lang na-memorize na po namin ung mga movements dapat namin sa loob, kaya pagsalang ipo-polish na lang namin,” lahad pa ni Bing.

    Continue reading below ↓

    MAY PANG-SUB DIN

    Tatlong referees ang nakikita ng mga manonood sa loob ng playing court, pero ang totoo, apat sila, ‘yung isa pang-sub o pamalit kapag pagod na ang nasa loob o di kaya nama’y may ‘sitwasyon’ na kailangang ipakita ang technical men.

    “Actually apat po kami, tatlo ‘yung nasa court, ‘yung isa po sub. Opo, may sub po, inimplement po ‘yun nung time ni Commissioner [Chito] Narvasa na until now sinusunod pa rin po, kasi kapag nakikita na ng tech head namin na pagod na ‘yung nasa loob, ayun po isa-sub na,” ani MAO.

    “Sometimes kaya po sina-sub ‘yung nasa loob kapag may sitwasyon. Paglabas po namin, ipapakita ng tech head ung review kung saan may sitwasyon, halimbawa po hindi namin natawagan o dapat hindi kami pumito, ganun po, para pagpasok ulit namin, makakapag-adjust na kami,” litanya ni Bing.

    Paliwanag nila, hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakikita nila ang buong sitwasyon, kaya doon nagkakaroon ng ‘missed call.’

    Continue reading below ↓

    “’Yung mga sitwasyon na hindi namin nakita, ‘yung mga na-missed namin, ipapakita ‘yun habang naka-sub kami, para pagsalang mas aware na kami, so dun mismo sa game ‘yung technical table they call our attention dun sa mga sitwasyon na na-miss namin para alam namin at maiwasan na maulit,” paliwanag pa ni MAO.

    Continue reading below ↓

    PERSONAL LIFE

    Kung si Bing ay may asawa at dalawang anak, si MAO naman sa edad 28 at taas na 5’6 ½” ay dalaga pa.

    Paano kung may manligaw na player kay MAO?

    “Naku, bawal po!” pakli niya.

    “Kung talaga pong may magpaparamdam, hintayin na lang po niya kapag malapit na akong mag-retire,” nakangiting sambit ni MAO.

    Sa ngayon ay nais muna ni MAO na mahasa pa ang kanyang kaalaman sa pagre-referee, bilang paghahanda sa iba pa niyang plano.

    “Gusto ko rin po kasing subukan ang pagko-coach,” wika niya. “’Yun po kasing mga ka-varsity ko nagko-coach sila ngayon, so, kung bibigyan po ng pagkakataon gusto ko pong mag-coach sa collegiate basketball.”

    HINDI NAKAKAIWAS SA PAMBA-BASH

    Kung uso ang pamba-bash sa social media, sina MAO at Bing at maging ang iba pang referee sa PBA ay nasanay na rin, pero hindi sila pumapatol, lalo na sa mga fans.

    “Normal na po sa amin ‘yung naba-bash. Pero, requirement po sa amin bilang referee, kailangan matigas ka, kailangan matatag ang loob mo, maximum tolerance po ang pinapairal namin, we cannot argue with the fans, pinakabawal po sa amin ‘yung pumatol sa fans,” ayon kay Bing.

    Continue reading below ↓

    Sabi naman ni MAO, tila musika na lamang sa kanilang pandinig ang pamba-bash ng mga fans.

    “Music to our ears na po ‘yung pamba-bash ng fans, as long as hindi po sila lumalampas dun sa parameters like ‘yung mga profane language, ‘wag lang po gagamit ng foul words,” wika ni MAO.

    “Kapag po sobra na ‘yung mga sinasabi ng fans, kino-call po namin ‘yung attention ng technical men at security at sila po ang magdi-deal sa fans, hindi po kami ‘yung personal na kakausap sa fans, kahit na minsan personal na ‘yung pagmumura,” ani Bing.

    MORE FROM SPIN
    MORE FROM SPIN

      MAXIMUM TOLERANCE

      “Ok lang po ‘yung magalit sila (coach or players) sa amin, kuwestiyunin ‘yung tawag namin, natural po yun ‘di naman po namin sila mapi-please sa lahat ng oras, basta po ‘wag sila gagamit ng foul words, kapag po kasi ganun, ite-technical na po namin sila,” simpleng paliwanag ni MAO.

      “Lagi po naming pinapairal maximum tolerance, pero may limit din po. Kapag po ayaw tumigil sa pagrereklamo, puwede po namin siya bigyan ng warning, pag hindi pa rin tumigil, ‘yon na po bibigyan na naming ng T,” dagdag ni MAO.

      Continue reading below ↓

      Gusto ring ipaalam ng mga referee na hindi porke’t natapos na ang isang laro ay tapos na rin ang trabaho nila. Dahil kinabukasan, kaharap ang mga referee na pumito sa nasabing laro ay rerebyuhin nila ito upang i-pinpoint ang bawat senaryo - kung mayroon ba o walang ‘missed calls’ na nangyari.

      “May grading din po kasi kami, kaya sa bawat game na naa-assign kami nire-review po ‘yun. Sa review, kapag nakita ng tech head na bakit walang tawag sa isang particular na play, ang tanong po sa amin ay kung ano ba ang posisyon namin at bakit hindi namin natawagan,” wika ni Bing.

      “’Yung suspension naman po dumarating kapag ‘yung gravity nung non-calls ay naging cost ng game,” aniya pa.

      NAGKAKAMALI PO KAMI, PERO ‘DI KAMI NANDARAYA

      May pakiusap din ang mga referees, hindi lang sa fans, kundi maging sa mga players at coaches.

      “Tao lang din po kami, nagkakamali, pero hindi po kami nandaraya,” deklara ni Bing. “We are doing our best para maging consistent sa bawat tawag. Wala kaming pinapanigan, rest assured wala kaming kakampihan, kasi lahat ng pinipito namin, lahat ng tinatawag namin nire-review po, hindi namin gugustuhin na magkamali dito, kaya ‘wag n’yo po sana kami sinasabihan na bayad ‘yung referee, masakit po ‘yun sa amin.”

      Continue reading below ↓

      “There’s no such thing as perfect officiating, as much as possible, mini-minimize naming magkamali, walang referee na gustong magkamali, pero sana po i-enjoy nyo na lang ‘yung game, dahil ginagawa naman po namin ‘yung lahat para matapos nang maayos ang game,” pagwawakas ni MAO.

      Read Next
      Sorry, no results found for
      PHOTO: Jerome Ascano
    • POLL

      • Quiz

        Quiz Result