MAHABA at masalimuot ang pinagsamahan ng Pilipinas at Japan pagdating sa kasaysayan. Marahil ang pinakanaalala ng marami ay ang pananakop ng huli noong World War II.
Alam na natin ang mga nangyari dito. At for the record, nag-sorry na ang Japan sa kasalanan na kanilang nagawa sa ating bansa lalo na sa kababaihan (buti pa sila nag-sorry na).
Fast forward. Memorable ang bansang Japan sa atin lalo na sa larangan ng sports. Hindi nga ba’t sa bansang ito nasungkit ni Hidilyn Diaz ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games sa Tokyo noong nakaraang taon.
See PBA seeks closer cooperation with B.League on player transfers
Sa Tokyo rin ng nag-silver ang ating mga boksingero na sina Anthony Villanueva (1964), Nesthy Petecio (2021) at Carlo Paalam (2021). Humirit din ng bronze si Eumir Marcial sa Tokyo noong nakaraang taon.
Kaya’t nang lumabas ang balitang lumipad ang 16-man delegation ng PBA papuntang Japan para pulungin ang kanilang counterpart sa B.League upang pagbutihin ang relasyon ng dalawang liga, bigla kong naalala ang kasaysayan ng dalawang bansang ito.
Malinaw na ang may mas pangangailangan sa meeting na ito ay ang PBA. Inamin naman ni Commissioner Willie Marcial sa isang Senate hearing na wala silang panlaban sa ibinibigay na sweldo ng B.League sa mga Pilipinong manlalaro na nandoon ngayon.
“Alam ko naman po greener ’yung pasture. Naiintindihan po namin ’yun. Ayun nga lang po baka dahan-dahan mawala ang liga ng PBA,” sabi ni Marcial.
Sign na ba ito na malapit na iwagayway ni Marcial ang white flag at tanggapin na lamang ang kapalarang sinasapit ng liga ngayon? O may alas pang hawak ang “healing commissioner” na magsasalba sa liga upang mapigilan ang exodus ng Filipino cagers sa Land of the Rising Sun?
Inamin naman ni Commissioner Willie Marcial sa isang Senate hearing na wala silang panlaban sa ibinibigay na sweldo ng B.League sa mga Pilipinong manlalaro na nandoon ngayon.
Wala pang ibinigay na konkretong solusyon si Marcial kung paano tutugunan ang problemang ito. Sinabi lang niya na ang pagpapabuti ng relasyon ng dalawang liga ang kanilang pakay.
Noong una kasi, nasa denial stage pa ang PBA. Tila hindi nila ininda ang hindi paglahok ni Thirdy Ravena sa rookie draft noong 2019 at sa halip pumirma ng kontrata sa San-en NeoPhoenix.
Si Ravena ang nagbukas ng pinto sa iba pang Pinoy cagers na maglaro hindi lamang sa Japan kundi pati na rin sa South Korea at Taiwan.
Nariyan ang kanyang kuya na si Kiefer, Ray Parks Jr., Dwight Ramos, Justine Baltazar, Roosevelt Adams, Greg Slaughter, Jay Washington, Jordan Heading at Matthew Wright na maglalaro na rin sa B.League.
Na-recruit naman ng Korean Basketball League sina ex-Ateneo star SJ Belangel, Rhenz Abando, Justin Gutang at RJ Abarrientos habang nasa Taiwan naman si Ricci Rivero.
Quality players ang nawawala sa PBA. Ibig sabihin nito, nababawasan din ng quality ang oldest professional league sa Asya.
Hindi mo kasi masisisi ang mga basketball player na maglaro sa mga bansang ito. Karapatan nila ito. Kung saan gaganda ang buhay niya, doon sila. Hindi sila naiba sa ibang OFWs na nakipagsapalaran sa ibang bansa.
Ito ang hubad na katotohanan na dapat tanggapin ng PBA. Sana’y may magandang kalabasan ang pulong nila sa Japan at hindi sana maging solusyon ang pagpigil sa mga Pinoy cager na maglaro sa ibang liga.
Dahil para sa nangangarap na Pilipino, “Japan, Japan, sagot sa kahirapan!”
Get more of the latest sports news & updates on SPIN.ph
NOTICE ON UNAUTHORIZED AND UNLAWFUL USE, PUBLICATION, AND/OR DISSEMINATION OF SPIN.PH CONTENT: Please be notified that any unauthorized and unlawful use, publication, and/or dissemination of Spin.ph’s content and/or materials is a direct violation of its legal and exclusive rights to the same, and shall be subject to appropriate legal action/s.