Sorry, no results found for
    View Today
    Mon, Jul 16

    'Ganyan talaga, 'pag mahal mo ang Ginebra'

    Dec 17, 2014

    [Editor's note: We now give way to a Spin.ph reader, Nico Waje, who, quite eloquently we must say, poured out his emotions after his favorite team, Ginebra, fell by the wayside yet again. He wrote about the seven-year itch for a championship, which he compared to unrequited love, or more appropriately to an unsuccessful courtship, and his unwavering loyalty to his beloved team, in words which we felt best capture the roller-coaster of emotions die-hard fans like Waje go through in the course of cheering for Ginebra]

    'Ganyan talaga, 'pag mahal mo ang Ginebra'

    Hindi ko alam kung paano sisimulan, hindi ko rin kasi alam kung ano yung nararamdaman ko. Ang alam ko lang naramdaman ko na ‘to, ang alam ko lang nanggaling na ako dito. Habang pababa ng hagdanan ng Araneta galing sa Section 321 Row 5 Seat 1 ng Upper A area feeling ko na-deja vu lang ako, siguro kasi pitong taon ko ng nararanasan to.

    Kung susumahin, maraming boses na ang nawala sakin, maraming mura ang nasambit ko, marami na ding santo ang natawag ko, sabi nga sa kanta ni Gary Granada, “O San Miguel, Sta. Lucia.' Tinawag ko nang lahat manalo lang ang pinakamamahal kong Ginebra. Hindi naman sa nanunumbat pero ayun ang totoo. Ilang beses na din akong sinabihan ng Nanay ko kapag sa bahay ako nanonood na mukha daw akong tanga manood ng laro ng Ginebra. Hindi naman daw ako kilala nung mga players pero bakit halos maubusan na ako ng hininga  sa kasisigaw sa bawat puntos na nagagawa nila at umiyak ng parang bata kapag natatalo sila. Sabi ko na lang sa nanay ko ‘Ma, hayaan mo na ko, kasiyahan ko to.’

    Continue reading below ↓

    Bago ako umuwi ng bahay, dumaan muna ko sa girlfriend ko, siyempre maghahanap ng kalinga, Ginebra fan din yun pero feeling ko Chris Ellis fan lang siya. Hindi niya ko makausap ng maayos dahil alam niya talo nga. Nagkwento na lang siya tungkol sa ka-intern niya na may boyfriend daw for seven years.

    Nagpanting ang tenga ko nung narinig ko yung salitang seven years, di  ba niya alam na may seven years na din akong lovelife bukod sa kanya, di pa nga lang ako sinasagot. Sino pa ba, Ginebra wala ng iba.

    Ang Ginebra parang babae yan na gustong gusto mo at matagal mo ng nililigawan.

    Seven years.

    Ganon katagal na akong parang nanliligaw, at siyempre di lang ako ang nanliligaw, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo, kung hindi milyun-milyon ang nanliligaw dyan.

    Sa sobrang dami naming nanliligaw, walang mapili ni isa.

    Kaming milyun-milyon ay sabay-sabay niyang pinapasaya, sabay-sabay pinalulundag, at sabay-sabay ding pina-iiyak.

    Sanay na.

    Iyan na lang ang naiisip kong mga salita sa tuwing ganito ang nangyayari sa Ginebra. Mas safe ‘yun kesa sa sabihin kong #BawiNextConference. Though tunog bitter, pero ‘yun na lang talaga ang pwede kong sabihin.

    Sa pitong taon na ‘yon marami na kong naisip na mga salita sa tuwing matatalo ang Ginebra, marami na ‘kong English na nasabi sa sobrang galit, napansin ko kasi na napapa-English ako sa tuwing galit at disappointed at marami na kong napagtuunan ng inis.

    Pero sa pitong taon na ‘yon hindi ko naisip na lumipat ng Alaska, dahil wala pa din daw tatalo sa kanila, o sa Purefoods dahil sa mas maayos na tatsulok nila. Pitong taon man na nagtitiis, pitong taon man na patuloy na lumuluha, pitong taon man na sa kangkungan at hindi sa Bora pumupunta at pitong taon man na paulit-ulit kong sabihin na sanay na, ganyan talaga ‘pag mahal mo ang Ginebra.

    Continue reading below ↓
    Read Next
    We recommend
    MORE FROM SUMMIT MEDIA
    Sponsored Content
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result