Sorry, no results found for
    View Today
    Sat, Sep 22

    Remember long-suffering fan who wrote us amid Ginebra struggle? Well, he's singing different tune

    Oct 22, 2016
    'At para sa lahat ng mga naki- #BawiNextConference. Sa mga hindi kumain sa bawat talo. Sa mga hindi nakatulog kada maagang nagbabakasyon ang Ginebra. Sa mga nakipag-away para sa Ginebra. Sa lahat ng tulad ko na iniwan ng girlfriend pero Ginebra pa rin for

    [In 2014, SPIN reader Nico Waje shared a well-written tribute to the Barangay Ginebra Gin Kings. We were impressed not only by his unwavering devotion to his favorite team but also by the eloquence he used in describing a die-hard fan's frustrations and hopes as he followed Ginebra's struggles to bring home an elusive title. Now that the long wait has finally ended, Nico found the words that he has been longing to share in the past eight years.]

    'CHAMPION NA ANG GINEBRA'

    Walong taon na ang nakararaan, first year high school ako, labingtatlong taong gulang. Friendster pa ang uso. Si Gloria pa ang presidente. ABC-5 pa nga ang tawag sa TV5. At higit sa lahat ‘yon ang taong huling nagchampion ang Ginebra.

    At sa paglipas ng walong taon ang dami nang nangyari. Nagka-girlfriend pero iniwan. Nakagraduate ng high school. Nagka-girlfriend pero iniwan ulit. Entered college, naka-graduate, nagkatrabaho. Nagka-girlfriend pero iniwan na naman. In short, up and down.

    Sa dami ko nang pinagdaanan, ‘yung iba hindi ko na matandaan. Yung iba naman pinipilit ko ng kalimutan. May umalis, may dumating. Masaya, malungkot, tumawa at umiyak. Roller coaster ride ika nga.

    Ganyan din ang buhay ko bilang Ginebra fan. Sunod sa agos. Para ka ring umibig. Walang pinagkaiba sa buhay ng maraming tao. Masaya sa panalo. Lugmok sa lahat ng talo. Kapag masaya, tila parang lumulutang sa kawalan. Kapag nasaktan at malungkot, halos pagsakluban ng langit at lupa. Pareho ng istorya.

    Mayroon lang ilang pagkakaiba. Dito sa Ginebra, walang nang-iiwan. Walang sumusuko. Walang bumibitaw. Dito sa Ginebra, masaktan ka man, walang sumbatan. Dito sa Ginebra, walang sawa kahit maghintay.

    Continue reading below ↓

    Sinong tanga ang lulunukin lahat ng masasakit na salita para lang sabihing Ginebra pa rin ako? Sinong matapang ang makikipag-away sa lahat ng magsasabi na kangkong na naman tayo? Sinong martir ang maghihintay ng walong taon para sa isang kampeonato?

    Ako. Kami.

    At kagabi nagbunga ang lahat. Natuldukan na ang paghihintay. Parang eksena sa pelikula na hindi mo akalaing pwedeng mangyari. Na hindi lang pala kathang-isip ang happy ending. Parang isang napakagandang panaginip na hihilingin mong sana hindi ka na magising. Wala kang naririnig kundi ang nakabibinging hiyawan. Wala kang ibang nakikita kundi ang mga munting papel sa lumilipad sa alapaap. Dahil sa wakas, matapos ang sakit at pagluha, matapos ang walong mahabang taong pagkauhaw, heto na at champion na ang Ginebra.

    At para sa lahat ng mga naki- #BawiNextConference. Sa mga hindi kumain sa bawat talo. Sa mga hindi nakatulog kada maagang nagbabakasyon ang Ginebra. Sa mga nakipag-away para sa Ginebra. Sa lahat ng tulad ko na iniwan ng girlfriend pero Ginebra pa rin forever.  At para sa mga naniwala at hindi bumitiw. Sa mga walang sawang nagsasabing “Never Say Die.” At sa lahat ng naghintay.

    Salamat.

    October 19, 2016. Mahigit walong taon ang nakalipas. May trabaho na ako. Dalawampu’t isang taong gulang. Walang girlfriend. May Facebook, Twitter at Instagram. Si Duterte na ang presidente. At higit sa lahat, champion na ang Ginebra! 

    Read Next
    We recommend
    MORE FROM SUMMIT MEDIA
    Sponsored Content
    'At para sa lahat ng mga naki- #BawiNextConference. Sa mga hindi kumain sa bawat talo. Sa mga hindi nakatulog kada maagang nagbabakasyon ang Ginebra. Sa mga nakipag-away para sa Ginebra. Sa lahat ng tulad ko na iniwan ng girlfriend pero Ginebra pa rin for
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result