Sorry, no results found for
    View Today
    Wed, Jul 18

    Allan Caidic: Mga manlalaro na 'buwis buhay' para sa pambansang koponan

    Aug 6, 2015

    [Pangalawa sa tatlong bahaging serye]

    BALIKAN natin ang isang hindi dapat kinakalimutang araw noong Setyembre ng taong 1990 sa Acropolis Gym sa Pasig para sa unang practice ng PBA Selection na kakatawan sa Pilipinas sa Asian Games.

    Punung-puno ang ang gym ng mga taga-suporta ng koponanang pinamumunuan ni coach Sonny Jaworski.

    Ngunit nababalot din ng kalungkutan ang ensayo sapagkat alam ng mga napiling maging bahagi ng 1990 Asian Games squad na hindi nila makakasama ang top scorer ng bayan noon - si Allan Caidic, na may fractured left hand matapos itong ma-aksidente sa championship series noong All-Filipino Conference.

    Eto ang hinding-hindi ko makakalimutan bilang isang nagsisimula pa lamang na production assistant para sa Vintage Sports ni Ginoong Bobong Velez. Nandun ako ng bigla na lang nagsigawan ang mga nanonood ng ensayo sa hapong iyon.

    At paglingon ko sa isang bahagi ng gym ay nakita ko si Allan Cadic na may makapal pa na benda sa kanyang shooting hand na halatang namamaga pa. Naka-unipormeng pang-ensayo si Allan!

    Dali-dali siyang humingi ng bola at nagsimula ng kanyang shooting drills, gamit ang kanang kamay at inaaalalayan ng kanyang heavily taped left hand.

    Makapanindig-balahibo ang eksenang iyon.

    Ang nasa isip ko noon ay bakit kinakailangan pa ng isang Allan Cadic na ilang beses ng nagsilbi bilang bahagi ng ating Pambansang Koponan na magpakita sa ensayo, sumabay sa ensayo at itaya ang kanyang playing career para lamang sa isang torneo gaya ng Asian Games?

    Ang tanong na ito ay nasagot matapos ang 25 taon.

    [Ang kabuuan ng storya ng kabayanihan ni Allan Caidic sa susunod ko na post]

    Continue reading below ↓

    [Unang bahagi: Samboy Lim]

    Read Next
    We recommend
    MORE FROM SUMMIT MEDIA
    Sponsored Content
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result