Sorry, no results found for
    View Today
    Wed, Jul 18

    Para sa bayan: Mga manlalaro na 'buwis buhay' para sa pambansang koponan

    Aug 3, 2015

    [Una sa tatlong bahaging serye]

    SAYANG at marami sa ating mga kasalukuyang mga basketbolista ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mga makapigil-hiningang galaw ng isang Avelino "Samboy" Lim.

    Binansagan siyang 'Skywalker' dahil talaga namang tila ba lumulutang at nakapag-lalakad siya sa ere kada siya umaatake tungo sa basket.

    Isa siyang pambihirang kumbinasyon ng "power and grace."

    Ngunit ang tunay na namukod tangi sa kabuuan ni Samboy bilang isang atleta ay kung paano nito ilang beses itinaya ang buhay para sa bayan.

    Noong 1985 sa Girona, Spain ay itinala ng Pilipinas ang isa sa pinakamalaking tagumpay in international play ng talunin natin ang Banco Di Roma, na kalipunan ng mga national players ng Italya, sa World Club Championship.

    Lingid sa kaalaman ng marami kasama ng coaching staff sa pangunguna ni coach Ron Jacobs, ay inatake ng hika si Samboy sa larong iyon kontra sa mga malalakas na players galing Italya.

    Sa gitna ng kahirapang huminga ay nagtala pa si Samboy ng isang bultong puntos at hinirang na most outstanding player - na hindi na niya nagawang tanggapin dahil nasa dugout na siya at nilalapatan ng first aid dahil kinakapos na siya ng hininga.

    Ito ang tumatak sa isipan at puso ng isang katatapak pa lamang sa kolehiyo noong panahong iyon. Dito ko nakita at naunawaan kung paano yung sinasabing paglalaro ng buong buhay para sa bansa.

    Ang aking panalangin ay kahit man lang konti ay matutunan din ng mga kasalukuyan at susunod na henerasyon ng mga basketbolista na ang paglalaro para sa bayan ay hindi dapat tinatalikuran ng kahit sino man!

    Continue reading below ↓
    Read Next
    We recommend
    MORE FROM SUMMIT MEDIA
    Sponsored Content
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result