Sorry, no results found for
    View Today
    Sat, Jul 21

    Panawagan sa Gilas: Huwag na huwag kayong susuko!

    Sep 27, 2014

    SA ngalan ng milyun-milyong Pilipinong patuloy na nagmamahal at naniniwala sa ating Pambansang Koponan, ako po ay nanawagan sa bawat miyembro ng Gilas Pilipinas - Huwag na Huwag Kayong Susuko!

    Sa gitna ng  lahat ng nagaganap sa inyong paligid naniniwala ang marami sa amin - Na Hindi Pa Huli Ang Lahat.

    Isantabi muna lahat ng naganap at nasabi sa nakalipas na dalawang araw.

    Sa susunod na mga oras ay ating ilagay ang Ating Buong Puso ... Diwa ... Isipan at Lakas sa nakapahalagang laban kontra sa South Korea. 

    Kalimutan muna ninyo ang inaasam na gintong medalya ng Asian Games. Ang mas mahalaga ay makita ng bawat Pilipino na gaya sa mga nakalipas na unos na dumaan sa ating Inang Bayan ay malalampasan din natin ito sa tulong ng Poong Maykapal.

    Read Next
    We recommend
    MORE FROM SUMMIT MEDIA
    Sponsored Content
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result