Sorry, no results found for
    View Today
    Thu, Jul 19

    Panalangin para sa PH basketball

    Nov 13, 2014

    WALA akong pakialam kung muling itanghal na national coach si Vincent 'Chot' Reyes.

    Pero kailangan linawin muna natin ang ilang bagay ukol sa posisyon na ngayon ay bakante - depende kung sino ang paniniwalaan ninyo, ang pamunuan ba ng PBA o ang mga tinaguriang 'spin doctors' ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

    Ang pagiging pinuno ng ating Pambasang Koponan ay higit pa sa kaalaman na taglay ng isang coach.

    Walang duda sa kakayanan ni Coach Chot. Sa katunayan, baka siya na ang pinakamaraming nakalap na kaalaman sa larong minamahal nating mga Pilipino.

    Sa kanyang taglay na resume' dala ng kanyang malalim na pag-aaral ng laro mula kina Pat Riley, Phil Jackson at ngayon si Pete Carrill na kinikilalang ama ng dribble-drive motion offense ay sobra na sa qualification ang dating coach ng Gilas Pilipinas.

     Ngunit ang pagiging coach ay hindi lamang basta-bastang pagtuturo. Dapat ay 'yun pagtuturo ng tamang paglalaro at pag-uugali.

    Sa mga naniniwalang karapat-dapat gawing pinuno ang nagturo ng katiwalian (ang pagbuslo sa goal ng Kazakhstan sa natapos na Asian Games) sa ating Pambansang Koponan, ay isasama na lamang namin kayo sampu ng mga naniniwalang ang tamang paglalaro ng basketball ay yun pagbuslo sa iyong goal.

    Siya nawa!

    Read Next
    We recommend
    MORE FROM SUMMIT MEDIA
    Sponsored Content
  • POLL

    • Quiz

      Quiz Result