As Linggo ng Wika nears, Kobe Paras, Gilas Fil-foreigners gamely take on 'pilipit dila' challenge. WATCH
Ang ilang manlalaro sa Gilas ay napalaban sa isang kakaibang hamon. Jham Mariano

ANG Gilas Pilipinas ay may hinaharap na matinding pagsubok sa kanilang pagsabak sa Fiba Asia Cup.

Pero bago mag-umpisa ang labanan sa Agosto 9, ang ilan sa mga manlalaro ng Gilas ay napalaban sa isang kakaibang hamon.

Para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, hinamon ng SPIN.ph ang mga piling manlalarong kabilang sa Gilas na pinanganak o lumaki sa ibang bansa na hindi wikang Filipino ang kinalakihan na maayos na bigkasin ng mabilisan ang ilang pampilipit dilang ating nakasanayan.

Buong tapang na tinanggap nina Gabe Norwood, Matthew Wright, Christian Standhardinger ang hamon, at maging ang mga manlalarong kabilang sa Gilas na maglalaro sa Southeast Asian Games tulad nila Kobe Paras at Ray Parks ay sumabak at nagpakitang gilas.

Panoorin ang kinalabasan ng kanilang pagharap sa pampilipit dilang pagsubok: 

Follow the writer on Twitter: @spinph